Chapter 29: Happy Together!

3.9K 76 1
                                    

| KELLY’S POV |

 

“Akin na nga!” Sigaw ni Kurt sabay hablot sa kamay ko.

“Ano ba, Kurt! Nakakahiya!” Sagot ko naman. Nakita kong nadismaya siya at sumimangot.

“Kinahihiya mo ako.” Ay nako! Nagdrama pa tong isang to oh!

“Hindi naman kita kinahihiya, nahihiya lang ako sa ganito… Tsaka, di ako sanay!” Giit ko.

“Pwes, masanay ka na! Tara na nga!” Sabi niya sabay hila sa akin. Lumabas kami ng sasakyan at naglakad papasok sa campus.

Errr, nag-iinit ang mukha ko, randam na randam ko ang malakas na pagtibok ng ko. Naririnig ko rin ang mga bulungan ng mga tao. Napakaraming pares ng mata ang nakatingin sa amin. Eto namang katabi ko, cool na cool sa paglalakad. Ang laki pa ng ngiti niya, yung totoo! Nababaliw na ata tong isang to eh.

“Bat ganyan ang itsura mo? Mukha kang natatae.” Komento ni Kurt na kasalukuyang kasama ko sa paglalakad ngayon habang…..hawak hawak ang kamay ko. Eto ang dahilan kung bakit ang tagal naming lumabas sa sasakyan, gusto daw niya kasi magkaholding hands kami pagpumasok sa campus. LIKE WHAT THE HELL?! Kailan pa naging ganito ka-cheesy si Kurt? Hindi ako sanay…pero…pero kinikilig talaga ako. >/////< Omaygad Kelly! Ang arte arte mo talaga!!

 

“Mukha kang tae.” Psh! Bigla siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa akin. “Anong sabi mo?! Kadiri ka! Kababae mong tao eh!” Iritado niyang sabi

“Tss! Ikaw kaya unang nagbanggit ng salitang tae!”

“Pero sabi mo, mukha akong tae?! Sa gwapo kong to! Grabe ka, Kelly!”

“Grabe ka din! Ang hangin mo pa rin! Kainis to!” Ngitian lang niya ako tapos hinila na ako paakyat sa hagdan. Ano bang nakain nitong isang to at kaninang umaga pa siya masigla.

Pagdating namin sa 4th floor, ang daming mga estudyante ang bumati sa amin ng ‘congratulations’ Maraming rin palang tao sa corridor ngayon kasi recess time.

“Bro!!!” Sa di kalayuan narinig ko si Alex na sumigaw, kasama niya si Sander at papalapit sila sa amin ni Kurt.

“Hi soon-to-be-Mrs-Salazar!” Pambungad na bati sa akin ni Sander. Ayos! :”)

“Hello, Alex. Hello, Sander.” Bati ko sa kanila.

“Woah! Tignan mo, Sander! Tignan mo kung gaano kasaya ngayon si lover boy. Look at that smile!” Pang-aasar ni Alex kay Kurt na kasalukuyang nakangiti na parang baliw dito sa tabi ko.

“Mukha siyang baliw no? Kaninang umaga pa yan ganyan eh.” Sabi ko naman

“Tsss. Ako lang ba masaya? Ikaw din naman ah! If I know, kinikilig ka dyan!” Pagsusungit niya. Hahaha! Natatawa na lang ako sa kanya, simula kasi kagabi… nung sinagot ko siya sa harap ng napakaraming tao, hindi na nawala yang ngiti niya sa mukha.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now