Chapter 51: Better or Bitter

3K 53 2
                                    

| KELLY'S POV |

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng Student Affairs building. Maraming students ang mga nagkekwentuhan, tumatambay sa mga benches at nag-aaral sa paligid. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa Choisi University. Una akong nakapunta dito nung kalagitnaan ng 4th year highschool kasi nagpasa rin ako ng application form but unfortunately, life happened, big decisions have been made and fate interfered kaya hindi ako natuloy sa pag-aaral dito.

May mga same faces akong nakikita, kabatch ko sila nung highschool. Mayroon rin namang bago sa paningin. Ganon pa rin ang itsura ng buong school. Maluwag pa rin at may malaking field sa gitna, may kanya-kanyang building ang bawat department at courses. Maganda pa rin at magara ang mga facilities dito.

"Kelly? Ikaw ba yan?" Tanong ng isang short-haired girl na medyo petite ang pangangatawan. Ilang segundo pa bago ko na-recognize ang itsura niya.

"Jonah?!"

"Uy!! Kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?! Dito ka na ba mag-aaral ulit?!"

"Uhh.. Oo, kakabalik ko lang din last week. Kumusta na? Anong course mo ngayon?!" Tanong ko naman. Nagbago lang ang hairstyle ni Jonah pero ganon na ganon pa rin yung katawan at height niya.

"Tourism ako. Ikaw? Teka, nabalitaan mo na ba yung reunion? Pupunta ka ba? Tsaka alam na ba ni Kurt na nandito ka na?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ahhh..Ehhh..Fashion Design ako. Pupunta rin ako sa reunion."

"Nako! Mabuti naman! Usap na lang tayo next time ha? May klase kasi ako e. Bye, Kelly! See you around!" Nagmamadali niyang sabi at agad na tumakbo palayo.

Dumiretso na ako sa registrar para kuhanin yung schedule ko. Bukas pa lang kasi ako magsastart. Nalate kasi yung pagpasa ko nung ibang documents kaya late enrollee ako.

Pagkatapos ko kunin yung schedule ko, pauwi na sana ako nun pero tumawag si Cheska na magkita daw muna kami sa mall kaya agad akong pumunta at dumiretso sa isang ice cream parlor na sinabi niya.

- - -

Palinga-linga ako sa paligid kasi sabi niya nandoon na daw sila. Sinong 'sila'? Sino namang kasama nun?

Sa di kalayuan, nakita ko si Cheska na masayang nakangiti dun sa kausap niya. Umanggulo pa ako ng konti para makita kung sino yun. Then there's those tantalizing eyes and jet black hair. Wow! Parang gumwapo ata si Alex? May kaharap din sila, isang babae at isang lalaki. Sa postura pa lang nung lalaki, alam kong si Sander na ito. Lumapit na ako sa kanila at agad silang napatingin sa direksyon ko.

"Hi!" Bati ko sabay ngiti.

"Kelly?" Gulat na sabi ni Alex.

"Oh my god! Kelly?" Sabi ni Jessie. Oo, si Jessie nga yung katabi ni Sander. Ganun pa rin ang itsura niya, same old brown long hair, sexy pa rin. I wonder kung kasama pa rin siya sa PEP Squad sa university?

The Search for the Bride (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt