Chapter 42: Her Wedding Day (Part 2)

2.6K 52 0
                                    

| CHESKA'S POV |

"Everything's set na po talaga!!" Sabi ko kay Miss Yana. Maayos na sa loob. Naka-formation na rin yung ibang abay.

"Yow, Cheskababe!" Napalingon ako nang bigla kong marinig si Alex. Finally!! Andito na rin sila sa wakas!! Nakakaloka! Uso ba talaga sa kanilang magkakaibigan ang magpalate?!

"Hay nako! Ang tagal niya ah! Saktong 3 na oh! Dapat nga nagsastart na tayo!"

"Sorry, Cheska. Medyo matraffic kasi sa dinaanan namin." Sabi naman ni Sander.

"Okay lang. Oh siya, pumila na kayo sa pwesto niyo. Teka, nasaan na si Kurt?" Tanong ko sa kanila tapos nagkatinginan silang dalawa.

"Hindi ba nauna na si Kurt dito?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Ha? Wala pa siya. Hindi niyo ba siya kasabay?!"

"Hindi eh. Diba dun kami natulog sa mansion, naunang maligo sa amin si Kurt. Medyo nalate kasi kami ng gising tapos nung nakaligo na siya, bigla nang nagmadaling umalis. Sabi niya, bilisan daw namin at pumunta agad sa simbahan. Akala naman namin, excited lang siya."

"Ganon ba? Ahh! Alam ko na! Baka kasama na niya yung daddy niya ngayon. Check ko lang." Sabi ko at pinapila ko na muna sila tapos dumiretso ako sa holding area sa gilid ng simbahan, kung saan nandun yung parents ng bride and groom pati na ilang event coordinator.

"Excuse me, Tito John?" Sabi ko at napalingon naman sa akin yung daddy ni Kurt na kasalukuyang kausap yung daddy at mommy ni Kelly.

"Bakit iha?"

"Nasaan na po si Kurt? Nag-CR po ba siya? Medyo nalelate na po kasi tayo sa starting time natin e. Okay na po yung pila sa labas. Inaantay na lang namin siya tsaka yung pari."

"Kasabay niyang umalis sa mansion sina Alex. Nauna kasi ako dahil dumaan pa ako sa company bago pumunta dito. Di pa ba sila dumadating?" Nagtataka niyang tanong.

"Andito na po si Alex at Sander. Sabi po nila nauna na dito si Kurt eh pero wala pa naman po siya."

"What?!?" Gulat na tanong ni Tito John. "Alright, I'll call him. Excuse me for a while..." Naglakad papalayo si Tito John at agad na tinawagan si Kurt.

"Nako ha. Nakakailang late na yang si Kurt ha. Kasal na to! Wala nang dahilan para malate siya." Seryosong sabi ng Daddy ni Kelly. Eto naman kasing si Kurt oh! Kung saan saan muna ata nagpupupunta eh!

"Baka naman natraffic lang, hon. Konting antay lang. Isa pa, wala pa rin naman yung paring magkakasal sa mga bata." Mahinahong sabi ng mommy ni Kelly.

Nako! For sure, inip na inip na yung bestfriend ko dun sa sasakyan! Papuntahin ko na lang kaya siya dito sa holding area? Kawawa naman siya dun!

"Out of coverage area yung phone ni Kurt. Where the hell is he?!" Medyo galit na ang tono ng boses ni Tito John.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now