Love for a Family

127K 6.9K 4.1K
                                    

Cesia's POV

Napahikab ako habang nakatingin sa apoy.

Dalawang oras na ako dito since kinantahan ko sila. Ramdam na ramdam ko kasi yung mabigat at mabilis na pintig ng puso nila. Tinulungan ko na silang makatulog.

Nakakapagod rin palang kumanta habang ginagamit ang abilities ko.

Hmmm... yung quote pala ang first prophecy...

Grabe naman.

Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Saka napapikit.

Nagulat nalang ako nang may biglang tumabi sa'kin. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.


"Art?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

Si Art nga... nakayakap siya sa bubbles na plushie niya.

"Nagising ba kita-"

"I'm fine." umiling siya.

Tinignan ko siya na nakatitig sa apoy. Bumalik na ba siya sa dati?

Nagbuntong-hininga ako.

Naalala ko kasi yung pinagdaanan nila ni Cal. Damang-dama ko ang lungkot habang nag kukuwento siya. Naiyak pa nga ako.

Hoo.

Naiiyak pa rin ako sa tuwing iniimagine ko silang dalawa. For better and for worse talaga...

Naalala ko rin yung sinagip ni Cal si Art sa nakaraang digmaan.

Pati yung vow na 'till death do us part'

Napailing ako.

"Kapag wala na ako... kakantahan mo sila ha?" nginitian niya ako.

"A-art.." nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan kaagad ito ng takot at kaba.

Ano ba 'tong sinasabi niya.

"Wag ka ngang ganyan. Hindi ka mamamatay..." napalunok ako.

Ang seryoso niya kasing makatingin sa'kin. Pero mayamaya, nakangiti na ulit siya saka humarap sa nagliliyab na apoy.

"Magpapalakas lang ako Cesia." mahina niyang tugon.

"Saan?" tanong ko.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" natatawa niyang sabi.

"Naniniwala ako na tayong lahat ay may kakayahan na ibahin ang itinadhana para sa'tin." sagot ko.

Naniniwala akong may destiny. May mga moirai nga eh. Pero hindi naman to the point na sundan natin yung gusto ng mga moirai dahil sila yung may hawak ng buong buhay natin.

Kahit patayin ako ng mga moirai.

Susundan ko pa rin ang puso ko.

"Kaya nga eh... alam mo ba? Ang hirap din kayang pumili ng future huhuhuhu." nag pout siya.

Ayun. Andiyan pa rin talaga ang Art na kilala namin.

Napangiti ako.

"Ano nga bang future ang pinili mo?" usisa ko.

Sumeryoso ang ekspresyon niya. "Future kung saan lahat tayo masaya."

"Kung ano man yang pinili mong future para sa'tin, susuportaan kita." nakangiti kong tugon sa kanya.

Yumuko siya saka umiling.

"kahit na... mamamatay ako?"

"H-huh?" nagtaka na naman ako sa sinabi niya.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon