Fears

141K 7.8K 5K
                                    

Cesia's POV

Apat na kwarto ang inihanda ni Ariethrusa para naming mga Alphas. Kaya ngayon, nakahiga lang ako sa king size bed at nakatingin sa kisame.

Kakagising lang namin. Hinihintay ko ngayon na matapos si Ria.

Sa cr na siya nagtatambay tuwing umaga kasi ang laki ng cr nila dito. Saan ka ba makakahanap ng malinis na cr na gawa sa marble. May jacuzzi at sauna pa.
Syempre, may pader rin na gawa sa glass kung saan maaari mong makita ang kabuuan ng Arcadian Golden Gardens.

Wala kang makikitang kulay itim dito sa Arcadia. Ang darkest shade siguro dito eh yung grayish-white saka violet.

Para ka ngang nasa paraiso.

"Riaaaa!!" nag echo ang boses ko sa buong kwarto.

Hindi ko nakayanan. Halos dalawang oras na siyang nasa CR.

At kinakailangan ko na talagang maligo kasi dalawang araw na rin akong hindi naliligo.

Tumayo ako at dumiretso sa malaking pinto na gawa sa sapphire.

"Ria?"

Wala akong narinig na sagot mula sa loob kaya tinulak ko ang pinto at pumasok para lang makita si Ria na natutulog sa isa sa dalawang bathtubs.

Nakasuot siya ng face mask at nakasandal ang ulo sa dulo ng tub.

Puno pa ng orange bubbles yung tub niya kahit umaapaw na yung tubig dahil nakalimutan niyang i-off yung faucet.

Ako na mismo ang nag abalang isarado yung gripo.

"Ria talaga..." napabuntong-hininga ako.

Naglagay ako ng sapat na tubig sa katapat na tub saka kumuha ng pampabula.

Pinili ko yung may Lavender essence at namangha pagkatapos makita ang pag-iba ng kulay ng tubig, naging royal purple ito na may halo pang glitters.

Agad agad, nagsimula na ring bumuo ang purple bubbles.

Naghubad ako at dali-daling ibinabad ang katawan sa tub.

Nilagay ko ang bottle ng essence sa baba katabi ang orange essence na ginamit ni Ria.

Napangiti ako habang nag hu-hum...

Nakatuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Ang garden kung saan nakita kong umiyak si Kara sa unang pagkakataon...

"I like the smell of lavender and orange combined.." narinig ko ang boses ni Ria.

"me too.." sabi ko habang pinuputok ang bubbles na lumulutang sa harap ko.

Tuwing pumuputok sila, may nirerelease silang bango na pamilyar para sa'kin.

Di kaya Lavender yung perfume niya?

Napaisip ako at napangiti nang maalala ang mga panahong malapit siya sa'kin kaya naaamoy ko siya palagi.

"The bond between you two is stronger than I thought..." narinig kong bulong ni Ria.

"Ano yun?" tanong ko.

Binuksan niya ang kanyang mga mata saka inangat ang ulo.

"you and Trev got closer quicker than we expected.." puna niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Siya nga pala yung gumising sa'min nang nakatulog kaming dalawa sa van...

"nevermind" sabi niya nang matantong wala akong masasabi tungkol sa'ming dalawa.

Napag-alaman kong 7 pa ng umaga dahil sa malaking sundial na nakapwesto sa gitna ng garden.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon