The Quote

141K 6.7K 1.7K
                                    

Ria's POV

Eleven...

Twelve...

Thirteen...

Binibilang ko lang yung color white na mga bato na nadadaanan namin. Obviously, dahil isang oras na kaming naglalakad and it is driving me crazy.

"are we there yet?" pang limang tanong ko na yan.

I sighed.

Pinadala kami dito sa Island ng mga Gorgons dahil dito daw magaganap ang unang propesiya.

Which is...

Damn!

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang mga prophecies. Nakakalito nga kasi sabi ng council malalaman at malalaman rin namin ang pangalawa at pangatlong prophecy. As long as alam namin yung first. And they say, alam nga namin.

Pero hindi.

Wala pa rin akong ideya.

I shrugged. I guess I would find out the answer when we arrive. Baka may makikita ako-

LIKE THAT HUGE TREE AT THE CENTER OF A BLACK LAKE.

Sa may di kalayuan, isang napakalaking kahoy na abot langit ang nakatayo.

The hell. I can't even see its leaves and branches clearly because of those clouds.

We stopped and stood at the edge pf a cliff kaya kitang-kita ang maitim na tubig at ang kaisa-isang puno sa gitna.

The whole place actually stinks so I backed up a bit. I tried to steady myself when I saw the pile of human bones.

"We have to camp here. This is the best view we got so far." umupo si Kara at binuksan ang bag niya. Nilabas niya ang kanyang mga kagamitan samantalang ako, nakatingin pa rin sa baba.

So far, wala akong nakikitang mga nilalang. The only thing that got my attention was the roots. They're all glowing.

"Cesia? Can you hear any heartbeats?" tanong ni Kara.

Pumikit saglit si Cesia saka tinignan kami. "So far wala maliban sa'tin."

Nag set up na kami ng camp sa pwesto namin. It's already late in the afternoon too kaya napagdesisyunan naming magpahinga since wala pa kaming nararamdaman na kakaiba.

"So... mind telling me about the first prophecy?" I emphasized the last two words.

"We were already given the first prophecy Ria. We just didn't know it was it." sagot ni Kara.

Kumunot ang noo ko.




And then it hit me.

"No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell... is that it?" tanong ko.

Then that means that tree is connected with the underworld and the heavens.

Tinanguan niya ako.

But still, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas ng gabi. Sinabihan lang kami ng oracles kung saan at kailan magaganap ang propesiya.

Pumasok sa isipan ko si Theosese.

Who is he really.

Nakarinig kami ng pagsabog kaya sabay-sabay kaming napatayo para tignan ang kahoy sa gitna ng island.

Noong una, yung mga ugat lang ang nagliliwanag, ngayon, yung buong puno na. May ilang streaks of green and violet lights akong nakikita na nakapaligid sa kahoy.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon