Seirenes' Islands

143K 6.8K 3.1K
                                    

Cesia's POV

"Lalalaaa~~" nahihilo na ako kakasunod kay Art na ayaw suotin ang belt ng dress niya.

Nag ba-ballerina twirl kasi siya palagi kaya ni isang segundo di nya magawang mapanatiling tumayo.

"Art naman eh..." grabe. isang oras na siyang nag-eensayo ng ballerina choreo niya at hindi pa siya tapos hanggang ngayon.

Para akong nanay dito na nag aantay matapos ang kakulitan ng bata para masuot yung diapers niya.

Pero hindi bata 'to. Aish. Ano ba naman yan.

"Art. Tumigil ka na jan at pumunta ka dito sa harap ko ngayon na." wala na akong choice kundi gamitan siya ng ability. Ang tigas naman kasi ng ulo.

Sinunod niya ang utos ko at humakbang papunta sa'kin.

"Ano bang meron sa belt na 'yan! Iiihhh!!! Ang bigat niyan eh!" reklamo niya habang ina-adjust ang belt sa waistline ng sapphire dress niya.

"Art, walang sunlight doon kaya kailangan mo nito para sa abilities mo. Okay?" inayos ko ang embedded na sunstones sa belt.

Alam naming kinakailangan ni Art ang malaking source of energy tuwing may mission kami. At since hindi kami sigurado kung ano ang mangyayari sa Seneries Islands ngayong gabi, dapat lang na bumili kami ng substitution source para kay Art.

Naghanap kami ng witch at nakipagtrade sa kanya. Binigay lang namin yung nag-aapoy na espada ni Ria. Pero no worries dahil anytime naman maaaring ma summon ni Ria yung sword.

At ayun na nga, ginawan niya si Art ng belt na may tatlong warm red stones, or sunstones.

Narinig ko ang reklamo ni Art nang nilock ko na yung belt.

"Alam naming kailangan mo'to. Energetic ka kasi. Palaging nag aaksaya ng energy. Gets mo?" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

Nag pout muna siya bago tumango.

Tinignan ko si Kara na nahihirapan sa pag adjust ng choker niya para matakpan ang natitirang scars sa kanyang leeg.

Kinuha ko yung gold na necklace na binili ko kanina. Binili ko talaga 'to para sa kanya.

"Eto. Pagka tumitingin sila sa leeg mo, kukunin ng necklace ang atensyon mula sa scars mo." tinanggal naman ni Kara yung choker at hinayaang ako ang magkabit sa necklace.

"Ayan." nginitian ko siya pagkatapos.

Bagay na bagay.

Ngumiti siya saka ako tinaasan ng kilay. "Since when did you become a fashion police?"

Natawa ako ng marahan sa tanong niya. "When the blood of Aphrodite started to run in my veins and woke my inner self?"

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. "Napansin ko rin eh. Is it me or Cesia has become more and more seductive?" puna ni Ria.

"It's not just you." sagot ni Kara.

"Oh well. Then that means karibal na tayo Cesia." sinimangutan ako ni Ria.

Kumunot ang noo ko. "H-huh?" Anong karibal pinagsasabi niya?

"I'm supposed to be the hottest one here." inirapan niya ako.

"Te-teka-"

"Joke. Isa kang anak ni Aphrodite. And that reason is enough for me not to inflict insecurities, but rather support you." kinindatan ako ni Ria.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon