Death of A Camp

144K 5.8K 1K
                                    

Jamie's POV

"Ate... dito nalang ba tayo forever?" narinig kong tanong ng kapatid ko.

Napaisip ako saglit sa sinabi niya.

Actually, as long as safe siya rito. Oo, papayag ako na dito nalang kami mamalagi.

Pero bata pa siya. Di kaya ng sistema niya ang ma enclosed sa kampo na'to.

Gusto niya ring makaranas ng kalayaan. Maka gala kung saan-saan.

Tinignan ko siya na may nilalarong maliit na spear. Kumunot ang noo ko.

"Sa'n yan galing?" usisa ko.

Pinaikot niya ito sa kamay niya. "Binigay sa'kin ng buwan."

Nagtaka ako sa sagot niya. Binigay ng buwan?

Tumango-tango siya. "Mmm... binigay ng isang babae sa'kin. Ang cool nga kasi may kasama siyang mga wild animals. Naka mask nga lang siya pero ang ganda ng mga mata niya!" sabik na sabik siya habang inaalala ang nangyari.

Hindi ko maiwasang maging interesado sa sinasabi niya.

"Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya. Tinuro niya yung buwan kaya ayun." tinuro niya sakin ang handheld na weapon niya.

Ngumiti ako saka tumayo. Dumiretso sa sungkod ng yumaong tatay at hinawakan ito.

Balak ko sanang ipakita sa kanya ang weapon ko.

"Nahanap mo na pala yung sungkod ng tatay mo?" tanong niya.

Tumango ako.

Mahal na mahal ko si Arah kahit magkaiba kami ng ama. Wala naman kaming choice kundi maging close kasi yun ang palaging bilin ng nanay.

Away man ka mi ng away eh hindi naman namin binibring up ang pagiging half-sisters namin.

Noong una, oo, nagalit ako kay mama nang malaman kong buntis siya. Akala ko kasi may karibal na ako.

Muntik na ngang mamatay sa sinapupunan si Arah dahil sa'kin. Namatay kasi yung tatay niya.

Pero ininsulto ko parin si mama kahit alam kong sobrang lungkot ang nararamdaman niya sa mga panahong 'yon.

Alalang alala ko pa...

"Karma mo siguro 'yan kasi ang landi landi mo! Di mo kayang hintayin si tatay kaya naghanap ka ng iba!" sigaw ko sa kanya na nakatayo, nakatingin sa picture ng stepfather ko.

Tinignan niya ako. Nakakuyom ang isang kamao niya.

"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi na babalik ang tatay mo!" binalik nya ang frame sa mesa.

"Babalik siya kasi yun ang sabi niya!" nagsimula na rin akong umiyak.

Tinignan ako ni mama na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

Huminga siya ng malalim. "Jamie... please kahit ngayon lang... Marunong kang umintindi... Sa isang babaeng nagdadalang-tao.. Pangalawang beses na nawalan ng asawa..."

Umiling ako.

"Ang malas malas mo." tinignan ko siya. Ni isang beses di ko siya tinuring na ina. Kahit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. "Sana ikaw nalang yung umalis. Sana ikaw nalang ang hinding-hindi na babalik-"

Nagulat ako sa ginawa niya. Nanginit ang pisngi ko saka ito sinundan ng hapdi.

Humagulgol ako ng iyak. Kinaya niyang saktan ang anak niya. Hindi niya ako mahal.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon