Moving Out

144K 6.3K 2.2K
                                    

"Ate naman eh! Ba't kinalimutan mo yung bag ko!" hinarangan ko siya.

"A-ano kasi! Basta! Ako nalang ang kukuha sa gamit mo." hinigpitan niya ang paghawak sa shirt ko at pilit hinihila ito.

Wala sanang babalik sa bahay sa ngayon. Not until may ideya na ako sa nangyari kanina. Hindi  na safe ang bahay.

Kung pwede, dito muna kami matutulog. Hangga't sigurado na ako.

"Ayoko ate! Baka makalimutan mo na naman! Gusto ko nang umuwi!" sinusuntok niya ang tiyan ko gamit ang mga maliliit niyang kamao.

Pero nakaginhawa naman ako ng maluwag pagkatapos makita si Arah. Galit nga lang siya sa'kin kasi nakalimutan namin yung bag niya.

Ba't ko nga ba kasalanan yun. Tsk. Di kaya ako ang nagdala sa bag niya.

"walang uuwi!" napatigil siya pagkatapos kong isigaw ang mga salitang gusto ko na talagang sabihin sa kanya kesyo wala akong mababack up na dahilan.

"H-huh?" iniangat niya ang ulo niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Sabi ko wala munang uuwi. Dito lang tayo." nag iba naman ang hitsura niya.

"kaya nga gusto kong umuwi ate eh kasi di ko gusto dito sa ospital. Nakakatakot isipin na nasa isang building ako kung saan maraming namatay. Iiihhhh!!" bumalik naman ang mga kamay niya sa pagtanggal sa'kin.

Pero wala siyang magagawa kasi nakadikit talaga ako sa pinto. At nakadikit na sa isipa't loob ko na hindi siya pwedeng lumabas.

"Maghahanap tayo ng pwedeng matirhan wag lang yung bahay."

Sorry Arah. Alam kong biglaan at nakakapagtaka ang lumalabas sa bibig ni ate ngayon. Pero sana maintindihan mo'ko. Malay ko ba may susugod sa bahay na isang hindi-ko-alam-kung-ano ghostly creature.

Hope to die. Wala talaga akong alam na may mangyayaring ganun.

"Ate naman eh! May pera ka ba? Katulad ng saan?"

May pera naman ako. Mga savings galing sa allowance ko. Pero hindi nga lang sapat para pambayad ng renta. Hay.

"Katulad saan? Ano..."

Pumapasok sa isipan ko ang listahan na pwede naming matuluyan.

Napatigil ang mga mata ko sa lalaking nakahalukipkip at nakatayo sa harapan.

"Sebastian!" nagulat siya sa pagsigaw ko ng pangalan niya. Pati nga ako nagulat sa desisyon ko.

"huh?" tumigil si Arah at binigyan na naman ako ng reaksyong di maipinta.

Kingina ka Jamie.

Wala ka nang choice. Magdasal ka nalang na okay sa dalawa ang sasabihin mo.

"sa kuya Seb mo tayo titira..." napalunok ako.

Please.

Please.

Please.

"H-HA?!"

"WHAT?!"

I-'HA' 'WHAT' niyo ako!

Grabe ha. Ang OA lang. Ako na nga 'tong naghihirap dito tas bibigyan niyo ako ng 'ha' at 'what'.

Ako na nga 'tong muntik nang mapatay kaninang madaling araw.

Ako na nga 'tong absent sa exam namin.

Maawa ka'yo sa'kin. Mababaliw na ako dito.

"Tama ba yung narinig ko kuya Seb?" nilingon niya si Sebastian na binigyan ako ng anong-sinasabi-mo look.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon