Demigod of Pain

143K 7.1K 3.2K
                                    

Cesia's POV

"Ria!!" nakita ko si Ria na walang malay sa gitna ng kalsada.

Gods. Natagalan kasi kami.

Sa harap niya ay dalawang lalaki. Nasa gitna namin ang batang babae na seryosong nakatitig sa kambal niyang nakahostage sa bisig ng isang lalaki.

"Huwag kang gumalaw kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo." sambit nung lalaking may hawak sa umiiyak na bata.

Teka...

Siya yung batang babae na nakausap ko ng saglit sa zoo kanina.

"Caisy..." narinig kong bulong niya habang humahagulgol sa pag iyak.

Nilingon ako ng kapatid niyang nakakunot ang noo. Tinignan niya lang ako saglit saka binalik ang atensyon sa kambal niya.

Nakita ko ang bahagi ng balat nilang kulay silver. Kumikinang ito dahil sa liwanag ng buwan.

"Bitawan mo siya." utos ko.

Humalakhak ng malakas ang lalaki bilang sagot.

Psh. Mahirap nga palang kontrolin ang mga baliw.

"Sasama ako sayo kung bibitawan mo siya." narinig kong sabi ni Caisy.

Kahit anong tapik ko kay Ria di pa rin siya gumigising.

Shoot Ria. Anong gagawin ko sa'yo.

Nakita ko ang malaking hiwa sa kanang bahagi ng tiyan niya.

Pinulot ko ang matalim na bagay at napagtantong isa ito sa kaliskis ng ahas na nasa dulo ng buntot nila. Alam ko kung ano ito dahil magkasama kami ni Ariethrusa noon.

Napabitaw ako dahil sa hapdi ilang segundo pagkatapos ko itong hawakan.

Aish. Nakalimutan ko.

Poisonous ang balat nila.

Tinignan ko ang lalaki at ang kakaibang dagger niya. Maaaring gawa ito sa balat nila saka ito nilagyan ng handle.

Napapikit ako dahil sa repleksyon ng liwanag na nagmumula sa balat ni Caisy.

Nagtaka ako kung saan nanggaling ang liwanag. Saka ko nakitang galing pala ito sa palad ni Art na tumatakbo papunta sa'min.

"Tumakbo agad ako dito kasi alam kong may nasugatan na Alpha. Hindi pa sila tapos sa zoo." ani Art. Nagulat siya nang makita ang malalim na sugat ni Ria.

Mabagal daw ang pagkalat ng lason sa buong katawan ni Ria dahil hindi ito tinatanggap ng dugong demigod niya.

Kinokontra ng sistema niya ang lason.

Pero dahil may lalim ang sugat, critical ang kalagayan niya ngayon.

Bumalik ang dugo sa mukha ni Ria kasabay ang pag ngiwi niya sa sakit. "Ah-oww!" reklamo niya habang nakapikit.

"Di ko kayang kunin yung lason Ria eh.. Eto muna yung magagawa ko.." sinenyasan ako ni Art na samahan si Caisy. Tumango ako at tumabi sa bata.

Tila walang emosyon ang pinapakita niya.

Pero sa likod ng walang buhay na mga titig niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

Tinignan ko ang kapatid niya.

Vulnerable spot nila ang isa't-isa. Gagawin nila ang lahat wag lang mapahamak yung isa.

Tumayo ako. Bumagsak ang aking mga mata kay Caisy na hinihila ang jeans ko.

Umiiling siya.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon