Forgotten Memories

143K 6.5K 3K
                                    

Art's POV

Okie. So kailangan naming mag stop by sa mortal lair ni Hermes. Saka namin hahanapin si bes.

"Cal. Pakihawak nga si Bubbles." inabot ko sa kanya si Bubbles na niligo ko ng perfume kagabi.

Hindi naman siya umangal. Tinanggap lang niya si Baby Bubbles ko.

Nakaupo ngayon si Blossom sa harap ko. Nakatalikod. Nagmumuni-muni ata. Di man lang nakapansin na wala na si Bubbles.

Mayamaya, napansin kong dumadahan na yung takbo ng sasakyan hanggang sa tumigil na nga kami sa harap ng maliit na factory.

May nakasulat sa itaas 'Wings Express' tas sa ibaba may 'Hero of Messages'

Natawa ako bigla... Hero... Her... Messages.. Mes... HerMes

Yung logo pa eh talaria, winged sandals ng mga Gods na gawa ni Hephaestus. Ang halata naman ni Hermes.

"Wala kang nabanggit sa'min about owning a business." narinig kong sabi ni Ria nang nakalabas na kami sa van.

"You didn't ask." kinindatan siya ni Chase.

Nagtinginan kami ni Cal.

"Ew." bulong ko sa kanya. Naging mas close ata yung dalawa. Nababaguhan lang ako.

Nababaguhan kasi.. Kasi si Blossom lang ang dala ko. ASAN SI BUTTERCUP?!

Hindi pa nasarado ni Dio yung van kaya nagmamadali akong bumalik dun.

Pero bago pa ako makapasok, naramdaman ko nalang ang pag tigil ng oras.

Nawala silang lahat. Walang tao. Walang gumagalaw. Huhuhuhu. Hindi ako ready para magkaroon ulit ng vision. Pagod na akong mahimataaay! Tuloooong!
"Ano na naman 'to." napailing ako. Tsk tsk tsk.

Nag iba na naman ang scenery sa harap ko. Nasa gubat ako. May lalaking nakatalikod.

Tas katabi niya si Blobblebutt.

Pagkatapos suriin ang buong lugar, napagtanto kong nasa Academy pala kami sa field namin. Tanaw na tanaw ko ang balcony ng Alpha Dormitory.

Waaaahh!!! Na miss ko'to!

Hinimas-himas niya yung featherish-fur ni Blobblebutt saka siya sumakay. Lumingon siya sa likod pero hindi nakatingin sa'kin kundi sa taas.

"Cal?"

Hindi niya ako narinig.

"I'll find you... again."

Tumingin ulit ako sa balcony. Nandoon si Cesia... Katabi si Trev.

Nag iba na naman ang paligid.

Grabe naman ihh! Nakakasuka yung ganito. Parang nasa rollercoaster ride ako.

Huhaaays.

Tatlong bata ang nasa harap ko ngayon. Dalawang lalaki at isang babae.

"Hi! I'm Artemia!" tumatalon-talon siya.

Waaaaahh!! Ang cute ko talaga noon!

"I'm Hector and this is Cairo, my brother."

Nag abot ang kilay ko. Ba't di ko ata naaalala ang moment na'to?

Meh. Ang bata ko pa kasi. Pero ang kyot ko talaga wahaha tas ang kyot ni Cal ohh! Yieee! Ang sarap kurutin ng cheeks niya.

Yun nga kukurutin ko na sana yung pisngi ni Cal nang nag iba na naman ang vision ko.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon