II | Hurt

189K 7.6K 1K
                                    

Chase's POV

"T*ngina talaga, oh." Bumubulong-bulong ako habang kinukuskos ang damit ko sa ilalim ng nakabukas na gripo. "Itong Fendi pa talaga na kinuha-" Bigla kong namalayan ang sasabihin ko, at ilang sandali pa'y mahinahon ko itong tinuloy.

"Hiniram ko mula sa minamahal kong ama," saad ko.

Tumango-tango pa nga ako bilang patunay dito, kahit pati 'yong repleksyon ko sa salamin ay hindi kumbinsido.

Malakas akong napabuga ng hangin at napagdesisyunang itigil na ang kalbaryo ng pagliligtas ng damit na ninakaw—

Kinuha—

Hiniram ko mula sa minamahal kong ama.

"Tch." Nabibigo kong itinapon 'yong damit sa lababo at sinara 'yong gripo.

Pagkatapos, umangat ang aking tingin sa malaking salamin sa likod nito.

Maliban sa hubad kong pang-itaas, kapansin-pansin ang pamumula ng balat sa may banda ng panga ko kahit nakahilamos na ako.

Humilig ako papalapit sa salamin at bahagya kong ipiniling ang aking ulo, nang masuri ko ito at mahawakan.

Hindi naman ito makati. Hindi rin mahapdi.

"Ah, kaya pala..." sabi ko sa sarili.

Kaya pala gano'n yung presyo nung bento cake kasi mamahalin din 'yong ginamit nilang ingredients, katulad nalang nitong food coloring na hindi mabura-bura.

"Angas," puna ko.

Para na rin kasing may nanuntok sa'kin dito.

Binaba ko ang aking kamay pagkatapos marinig ang naiinis na sigaw ni Ria mula sa labas.

"Anong klaseng cake ba 'to?!"

Napangiti ako, at napailing. Lumabas ako ng banyo para maghanap ng damit. Sa kalagitnaan ng pagsusuot nito, muli kong narinig ang sigaw ni Ria, pero napalitan na ng alala ang dating galit sa boses niya.

"Chase!"

Pagkatapos kong ayusin ang damit ko, pansamantala kong ginulo ang buhok ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Natagpuan ko sina Ria at Dio na nakatayo sa harap ng kwarto ni Kara.

"Oh?" Dumiretso ako sa kanila. "Bakit?"

Otomatikong humarap ang aking ulo sa nakasaradong pinto nang mapansin ko ang ingay ng gulo mula sa loob.

Lumapit ako rito. Tatlong beses akong kumatok bago ikot-ikutin 'yong pihitan ng pinto.

"Anong nangyayari?"

Sabay naming nilingon si Cesia. Kalalabas lang niya mula sa kwarto niya.

"I thought I heard a faint scream from her room," ani Ria, na tinaasan kami ng boses sa huli. "And she won't open!"

"Move," panggagago sa'kin ni Dio, dahil inutusan nga niya ako, pero di naman niya ako binigyan ng pagkakataon na tumabi kasi bigla nalang niya akong tinulak.

Malakas niyang sinipa 'yong pihitan ng pinto at paulit-ulit niya itong ginawa, hanggang sa nagkaroon ng kompetisyon kung alin ang mas matibay: 'yong pinto o 'yong paa niya.

Sa huli, walang natalo dahil walang nasirang pinto o nabasag na buto. May napagod lang, at alam naman nating hindi nakakaranas ng pagod 'yong mga pinto kaya—

Nagulat ako nang biglang tinanggal ni Dio ang vial na nakasabit sa kanyang leeg at mas lalo pa akong nagulat, nang itapon niya ito sa sahig para basagin.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon