Behind the Silence

140K 6.2K 1.1K
                                    

Cesia's POV

"Namamaga yung mga mata mo." bumaba si Galatea saka tumabi sa'kin.

Nakatitig lang ako sa salamin. Tinitignan ko lang kung okay nga ba ako. Inalok nila akong sumama sa kanila para mag spa.

Sinabihan ko naman sila na susunod lang ako. Gusto ko pa kasing isubsob yung mukha ko sa unan.

Pero feeling ko mas gagaan yung pakiramdam ko pag makakarelax ako.

Kahit ng konti.

"Can I go with you?" tanong niya.

Katatapos ko lang magbihis. Tumango ako saka siya umakyat sa balikat ko.

Nagtungo na kami sa spa. Ramdam ko yung mga titig nila. Ewan ko nga kung nakatitig ba sila sa'kin or kay galatea na nag huhumm habang nakaupo.

"I'm excited to meet the girls." pumalakpak siya "will they like me too?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Parang ako lang nung first day ko dito. Excited akong makita kung sino yung mga kahousemates ko.

"I'm sure magugustuhan ka nila Galatea." nakangiti kong sagot.

"You wouldn't know but I'm blushing right now." aniya sabay yakap sa pisngi ko.

Hmm. Totoo nga yung sinasabi niya. Naramdaman ko kasi yung init sa mukha niya.

Pumasok na kami sa spa. Nanghiram kami ng maliit na towel para kay Galatea. This is a girl's spa afterall. Tas sabi niya gusto daw niyang maranasan ang mag spa.

"You really came." narinig kong sabi ni Ria.

Sinalubong ako ng usok mula sa steam ng jacuzzi kaya agad akong umupo katabi ni Kara.

As usual, wala na naman si Art.

"U-umm.." tinignan ko sila na nakatingin rin sa'kin. Magtatanong na sana ako kung anong meron nang namalayan kong nandito pala si Galatea.

"Ahh.. Galatea meet Ria and Kara. Ria and Kara, meet Galatea. I'm sure kilala mo na yang si Jamie." nagnod ako sa direksyon nila.

Agad kinuha ni Ria si Galatea para suriin ito. "Galatea? like the story?" namamangha niyang tanong.

"Yes. I am Lady Cesia's personal assistant. I will do whatever as told." aniya saka kumawala mula sa kamay ni Ria at bumalik ulit sa pwesto niya.


"I heard the Olympians are busy right now." sambit ni Kara. "the Academy too."

Napansin nga naming lahat na may nag-iba sa school na'to. Lalong-lalo na ang mga staff.

Substitutes nalang ang nakikita namin palagi na nagtuturo sa mga classes.

"Nakakawalang gana ang aura dito." puna ni Ria. "We should confront them anytime soon and ask about what's happening."

Tumango ako saka tinignan si Jamie na nakakunot ang noo. Nakatitig siya sa tubig.

"Sa'n ba galing ang supply ng tubig dito sa Academy?" curious niyang tanong.

Umaandar na naman ang pagiging father-like niya kaya napangiti ako tas napailing.

"No one knows how this school works, hon." sagot ni Ria.

Mukhang si Jamie ang ace ng Academy pagdating sa physical structures at kung anu-ano pa.

Lahat naman talaga kami mga aces ng school na'to.


The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon