5 | Ikaw, Siya at Ako

9.8K 162 50
                                    


Ikaw, siya at ako
Ikaw yung tipo ng taong sobrang hirap bitawan
Ikaw yung tipong kaya kong ipaglaban
Kaya kong ipaglaban hanggang kamatayan

Ikaw, siya at ako
Siya. Siya yung tipo ng babaeng maganda, matangkad, maputi at iba pa
Yung tipo ng babaeng makakantahan mo na ng 'nasa 'yo na ang lahat', hindi ba?
Higit sa lahat, siya yung babaeng mahal na mahal ni ikaw

Ikaw, siya at ako
Ako. Ako yung tipo ng taong paulit-ulit mo mang saktan
Mamahalin ka parin ng lubusan
Ako yung tipo ng taong laging nandyan
Laging nandyan sa tuwing ika'y nahihirapan
At ako, ako lang naman yung nagmamahal sayo pero sinasaktan mo

Ikaw, siya at ako
Teka-nagmumukha na akong kabit dito
Nagmumukha na din akong tanga
Tanga dahil lagi na lang akong pangalawa

Ikaw, siya at ako
Pwede bang sayo na lang ako at akin ka na lang?
Pwede bang 'ikaw at ako' na lang at wala ng 'siya'?
Pwede bang 'tayo' na lang at wala ng 'kayo'?

Ikaw, siya at ako
'ikaw' na minamahal ng sobra ni 'siya'
'siya' na minamahal ng sobra ni 'ikaw'
At 'ako' na sinasaktan niyo lang sa tulang ito.

Ikaw, siya at ako
Paalam 'ikaw'
Paalam mahal
Dahil alam kong hindi na si 'ako'
Kasi si 'ikaw' at 'siya'
Ay para talaga sa isa't isa.

-

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon