Chapter 38

254 7 0
                                    

ANGEL HOPE'S POV

"Saan mo ko dinala Angel Hope?!" Galit ang boses nya ng makita nya ako.

"May kasalanan kang nagawa Angel Sorrow, at nagdulot yon ng kapahamakan ng maraming tao." Mahinahon kong sabi.

"Wala akong pakialam sa kanila!" Sigaw nya.

"Huwag kang maging makasarili Angel Sorrow, tandaan mo ang mga bagay na itinuro sa aten bago tayo napunta sa pagiging anghel. Sana isipin mo muna ang ibang tao bago ang sarili mo, dahil yun ang nakakabit na responsibilidad sa pagiging Anghel natin. Nakarating na ang mga nagawa mo sa itaas, at dahil sa nagawa mo ay mapaparusahan ka." Sabi ko na kinakunot ng noo nya.

"Hindi nyo pwedeng gawin to! Magbabago ako! Ayokong maparusahan! Tulungan mo ko!" Nagmamakaawang sabi nya.

Umiling ako pagkatapos ay nagsalita.

"Hindi kita maaring matulungan tungkol sa usapin na to. Ang nakakataas na ang nagpasya sa mangyayari sayo hindi ko ito pwedeng tutulan alam mo iyan." Sagot ko.

"Dahil sa ginawa mo ay napagpasyahan na ipatapon ka sa lupa upang ika'y magtanda. Tatanggalan ka ng kapangyarihan upang matuto ka mula sa mga pagkakamali mo. Sana sa gagawing kaparusahan sa'yo ay may matutunan ka." Dugtong ko.

"Sandal-- anong nangyayare?!" unti-unti nang naglalaho ang kanyang wangis.

"Mag-ingat ka, kaibigan." Huling sabi ko bago tuluyang maglaho ang kanyang wangis.

Matapos maglaho ni Angel Sorrow ay may nakita akong liwanag na nakalutang, siguro ay may nais itong ipahiwatig.

"Ano ang nais mong sabihin?" Tanong ko dun sa nagliliwanag na nakalutang.

Sinundan ko ito at dinala ako nito sa isang lugar na puri puti lamang ang makikita mo sa iyong paligid, ngunit may nakita akong isang babae na nakahiga.

Nilapitan ko ang babaeng yon at nakita ko ang buong wangis nya. Si Eira?

Paano sya napunta dito? Anong nangyare sa kanya?

Nakita kong dahan dahan syang kumilos at unti-unting bumangon.

"Aray, bakit parang ang sakit ng katawan ko? Teka asan ba ko?" Marahil ay kinakausap nya ang sarili nya at hindi nya pa napapansin ang aking presensya dahil nasa likuran nya ko.

Nakita kong nilibot nya ang paningin nya at nakita nya ako. Ngunit nagtaka ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Angel Hope?" Takang tanong nya na para bang ang lalim ng iniisip.

Pero paanong nakikilala nya ang pangalan ko? Hindi ko gusto ang nangyayare, dahil isa lang ang ibig sabihin ne'to kung ganoon na nga.






ETHAN'S POV

I was very frustated dahil sa mga narinig kong sinabi ni Thea. I got tricked by that devilish angel!

Hindi ko mapigilang pagpira-pirasuhin ang papel na hawak-hawak ko ngayon dahil sa pagkainis.

Pilit kong nilayo si Eira sa kanila ni Aki but I think mali yung ginawa ko, hanggang ngayon siguro ay naiinis pa din sakin si Eira dahil sa huling naging pag-uusap namin.

"Ethan calm down." Sabi ni Thea at ti-nap yung likod ko.

"That fucking liar. Nagawa pa nyang siraan ang kapatid ko sakin." Gigil na sabi ko.

"That's why pinuntahan kita dito, dahil nalaman ko yung mga sinabi nya sayong kasinungalingan. Pero tandaan mo, wag mong sasaktan si Trixie! Wag kang magpadala sa galit mo Ethan. Sinabi ko sayo yung totoo para maliwanagan ka sa nangyayare." Pagkatapos nya magsalita ay biglang tumunog yung phone ko.

Nakita yung caller ID at lumabas dun yung pangalan ni Tita Elle, mommy ni Eira.

"Hello po tita?" Bungad ko matapos sagutin yung tawag.

("Ethan s-si E-Eira... naaksidente s-sya. Nasa ER sya s-sya ngayon.") Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko ng marinig ko ang sinabi ni Tita Elle.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя