Chapter 28

264 10 1
                                    

EIRA'S POV

Ewan ko ba kung ano pa ba ang dapat kong paniwalaan.

Sa nakita kong reaction kanina ni Kiro mukha syang seryoso sa sinabi nya.

Posible kayang totoo? Pero hindi eh! Kilala nya ang mga kaibigan nya tapos ako hindi?

Shiz! This is eff'n ridiculous!

"Sabi na dito ka pupunta..." napalingon ako ng may magsalita.

Si Ethan.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko at sa ibang direksyon nakatingin.

Nasa may rooftop pala ako ngayon at medyo padilim na.

Feeling ko kase kapag tinignan ko sya ay babagsak na yung mga luha sa mata ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto.

Bakit ba sobrang apektado ako sa inakto ni Kiro kanina?

'Sorry miss, pero sino ka ba?'

'Sorry miss, pero sino ka ba?'

'Sorry miss, pero sino ka ba?'

Parang tinusok ng karayom yung puso ng sabihin nyang hindi nya ko kilala.

At ang mas masakit pa sa part ko ay ng tanungin nya ko kung sino ba 'ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Ethan ng bigla nyang hatakin yung kamay ko at niyakap nya ko.

Hindi ko alam pero kusang tumulo yung mga luha sa mata ko na kanina pa nagbabadya na pumatak.

"You don't have to say anything Eira. Pero sana wag mo masyadong seryosohin kung ano man yang nararamdaman mo para sa kaibigan ko. Hindi namin gugustuhin ni Daddy na masaktan ka."

Nakakainis! Hindi naman ako ganun kaiyakin pero bakit ngayon parang ang babaw ng iniiyakan ko?

Pero teka, ano ulit yung sabi ni Ethan?

Nararamdan?

May nararamdaman nga kaya ako para kay Kiro kaya ako nagkakaganito?

Ewan ko ba! Masyadong magulo ang mga nangyayari at hindi ko din maintindihan ang totoong nararamdaman ko.

Tinanggal na ni Ethan yung pagkakayakap nya sakin at pagkatapos ay humarap sakin.

Ramdam ko yung pagiging seryoso nya.

"Ayan ang panget mo na. Iyakin ka na pala ah." sabi nya pagkatapos ay bahagyang natawa.

Feeling ko nagbalikan yung luha ko sa mga mata ko ng marinig yung sinabi nya.

"Kala ko pa naman seryoso yung sasabihin mo! Tapos aasarin mo lang pala ako! Umuwi ka na nga sa inyo!" inis na sabi ko.

"Okay sige. Uuwi nako! Tapos ikukwento ko nalang kay Daddy yung nangyari." akmang aalis na sya nang hilahin ko yung parte ng suot nyang damit.

"Uy teka lang! Joke lang naman! Hindi na pala kita itataboy! Wag mo na lang sabihin kay daddy yung nangyari baka kasi mag-alala lang sya."

"Okay." nakangiting sabi nya pagkatapos ay bumalik sa kinatatayuan nya kanina.

"Uy i-promise mo na hindi mo to ik-kwento kay Mommy o kaya kay Daddy ha? Promise?" Tanong ko habang hinihila hila yung tela ng damit nya.

"Promise mo to." natatawang sagot nya.

"Kasi naman eh! Seryoso kasi!" Naiinis na sagot ko.

"Ayokong mag-alala pa sila." Dugtong ko.

Biglang sumeryoso na yung mukha nya at may ibinulong sya kaya lang hindi ko narinig.

"May sinasabi ka ba Ethan?" Tanong ko.

"Ha? Wala wala. Sabi ko nagugutom nako kaya tara na." Sagot nya pagkatapos ay naglakad na.

"Hoy basta shut up ka lang ha?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya habang naglalakad.

"Hays oo na. Kulit mo." Naiiritang sagot nya kaya naman ay napangiti ako.


_____
A/N: hanggang dito na lang muna hehe! Sorry medyo busy iz me babawi ako pagbakasyon na. Konting kembot na lang naman. Thanks for reading! God bless! Mwaaaah :*

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now