Chapter 08

346 17 1
                                    

EIRA'S POV:


Huminto sa paglalakad si Althea sa may park malapit samin.

"Pwede mo na ba sagutin yung tanong ko?" tanong ko sa kanya.

"Yung about sa inyo ni Akihiro... May naaalala ka ba?" umiling ako sa tanong nya dahil yun naman talaga ang totoo.

Ito ba yung parang kulang sa pagkatao ko? Yung sinasabi nyang hindi ko maalala?

"Si Kiro... Palagi nya kinukwento sakin yung nangyari noon, pero kahit anong gawin ko wala kong matandaan." sabi ko sabay iling.

"Hindi mo talaga maaalala yun dahil part yun ng journey mo nung na-coma ka. You had a mission to help Aki that time, you helped him na bumangon at magpatuloy sa buhay, and you also helped me na wag matuloy yung engagement party namin noon. Kaya ngayon gusto ko na ako naman ang tumulong sayo."

what did she said?

Gulong gulo nako sa mga nangyayari tapos lalo pang gumulo dahil sa mga sinabi ni Althea.

"Althea, I don't mean to be rude pero ayoko munang pag-usapan yang bagay na yan ngayon dahil gulong gulo na'ko. I'm sorry." sabi ko.

Dahil hindi na kaya i-digest ng utak ko yung mga sinasabi nya.

Nangyari ba talaga ang lahat ng yun? Pero bakit ni isa wala man lang akong maalala sa mga yun?

"Gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo, pero wala talaga kong matandaan kahit isa sa mga pangyayari na sinasabi mo." sabi ko at napailing ng bahagya.

"Ayos lang Eira, basta tawagan mo lang ako pagkailangan mo ng tulong or kung ready ka na pag-usapan yung bagay na yun." sabi nya at pagkatapos ay inabot na maliit na papel na may nakasulat na numbers.

"Thank you, sige mauuna nako." paalam ko pagkatapos ay umuwi na.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nahiga agad ako sa kama. Hanggang sa nakatulog ako.



AKI'S POV:

Kanina pa nakafocus yung atensyon ko sa cellphone ko dahil dun sa na receive kong text message.

Hindi na nga ko makarelate sa mga topic na pinag-uusapan nila.

Hanggang sa may nagdoorbell, nagprisinta si Chan na sya na daw ang magbubukas.

Nagtaka ako at nagsitahimikan sila, pagtingin ko kung sino yung dumating nagulat din ako kung sino yung kasama ni Ethan.

"Walangya Bro! Kailan ka pa dumating?" Tanong ni Gelo.

"Kakadating ko lang din kanina, sakto namang nakasalubong ko tong si Ethan." sabi nya habang nakikipag bro fist samin isa-isa.

Nawala yung atensyon ko sa cellphone ko at sumali na rin ako sa usapan nila.

Kung ano ano lang yung pinagtatanong nila kay Kiel.

Nabaling yung atensyon ko ng magvibrate yung phone ko.

And there I saw her text message.

From: +639*********

Can we talk? I'm here at the airport.


Napatayo ako ng mabasa ko yung text message na yun.

"Oh bro, where are you going?" takang tanong ni Ethan.

"May kailangan lang akong puntahan, urgent lang. Kayo na bahala dito, I need to go." sabi ko at tuluyan ng umalis.

Pagdating ko sa airport ay nakita ko sya sa di kalayuan, nang makita nya ko ay lumapit sya sa direksyon ko at nabigla ako ng niyakap nya ko ng sobrang higpit.





I have no idea on what will happen after this...

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now