Chapter 21

284 11 2
                                    

EIRA'S POV:

Maaga kong umalis sa bahay ngayon para puntahan si Kiro sa hospital, tinext rin ako kanina ni Ethan na nasa Ospital na daw sya.

Hindi ko na nagawang magpaalam kay Mommy dahil sa kaka madali ko.

Nang makarating ako sa Ospital ay hinanap ko yung room number kung nasaan si Kiro.

Pagdating ko sa kwartong yun ay nakita ko sa loob sila Chan, Gelo, Kiel, Ethan at pati na din si Thea.

Nauna pa pala ang mga to na pumunta sa'kin?

"Kamusta si Kiro?" tanong ko sa kanila habang tinitignan si Kiro na mahimbing na natutulog.

Maya-maya ay nakita ko na dahan dahan syang kumilos at unti unting minulat ang mga mata nya.

"Teka nasan ako? Sino kayo?" takang tanong nya ng makita nya kami, kaya ang ginawa ko ay tinignan ko sila Chan na magkakatabi.

"Eira, hindi na nya tayo maalala." seryosong sabi ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya.

"W-what do you mean hindi maalala? Sabi ng doctor kahapon minor lang naman yung natamo nya." takang tanong ko na parang tutulo na yung luha ko.

Nag-shrug sila na parang wala lang sa kanila na hindi na kami maalala ni Kiro.

Kasalanan ko 'to eh! Dapat ako yung nasa kalagayan nya ngayon. Dapat ako yun at hindi sya.

Lumapit ako kay Kiro sa kinahihigaan nya ngayon.

"Sorry Kiro, nang dahil sa'kin napahamak ka pa, kasalanan ko kung bakit to nangyari. S-sorry." hindi ko na mapigilang mapaluha ng dahil sa nangyari, para kasing nagf-flashback sa isip ko yung nangyari kahapon.

Habang pinupunasan ko yung mga luha na tumutulo sa pisngi ko ay bigla silang nagtawanan.

"HAHAHA! Grabe Eira di ka naman mabiro! Wag ka na magdrama jan joke lang yun!" natatawang sabi ni Ethan.

Tsaka ko lang narealize yung mga nangyayari ng makita ko si Kiro na natawa din.

Tumingin ako kanila Ethan na patuloy pa din sa pagtawa hanggang ngayon.

"Sino nakaisip na gawin nyo yun ha?" tanong ko sa kanila kaya natigil sila sa pagtawa at sabay sabay na may itinuro sila.

Lahat ng index finger nila nakaturo kay Kiro.

"Hoy mga ugok kayo! Ako lang ba talaga nakaisip non? Kayo din no!" Protesta ni Kiro.

Tinignan ko sya ng seryoso pagkatapos maya maya ay hinampas ko siya ng sunod-sunod.

"Argh! Nakakainis ka alam mo yun?! Nag-alala ko sa'yo Kiro! Nakakainis ka!" singhal ko.

"A-aray teka t-tama na Eira." napatigil ako sa paghampas sa kanya ng magsalita s'ya.

Naalala ko na may mga bruises pa nga pala sya.

"Hala Sorry Sorry! Okay ka lang ba Kiro? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

Hinawakan nya yung kamay ko at inilagay nya yun sa kanang bahagi ng dibdib nya.

"Nararamdaman mo ba yung pagtibok ng puso ko? Pangalan mo yung sinisigaw n'yan... Ayos lang ako Eira wag kang mag-alala, at wag mo din sisihin yung sarili mo sa nangyari, dahil lahat gagawin ko para sa'yo. Kahit ibuwis ko yung buhay ko para sa'yo gagawin ko, that's how much I love you. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo hanggat nasa tabi mo'ko tandaan mo yan."

Napatingin ako sa kanya matapos nyang magsalita, nagtama yung mga mata naming dalawa at feeling ko sandaling tumigil yung mundo ko nung oras na yun.

Ngayon ko lang narealize na ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"EHEM!" Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Kiro sa kamay ko ng marinig yung sabay-sabay na pag 'ehem' nila.

"May mga ubo ba kayong lahat ha?" pag-iiba ko ng topic.

"Wala naman, pero parang magiging diabetic kami dahil sainyo." hirit ni Gelo.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now