Chapter 05

391 14 4
                                    

EIRA'S POV:


Nang makababa na'ko ng kotse ay tumakbo ako papasok ng bahay. Sinalubong ako ni Mommy ng yakap pagpasok.


"Grabe anak! I miss you a lot." bungad ni mommy.

"I miss you too Mom, pero by the way sino po yung bisita ko na sinasabi mo po?" tanong ko matapos bumitaw sa pagkakayakap kay Mommy.

"Oo nga pala. Si Kiel, anak. He's here." sambit ni Mommy na ikinagulat ko.

Ano ginagawa n'ya dito?

"Didn't you miss me?" rinig kong boses mula sa likuran ko, kaya napaharap ako at nakita ko si Kiel.

"Paano ka napunta dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Binigay sakin ni tita yung address nyo bago kayo bumalik ng Pinas. You're so rude, wala man lang ba d'yang hug or kiss? Kakadating ko lang tapos parang gusto mo na ata kong umalis." malungkot na sabi nya.

"Hug or kiss you're face. Mommy oh!" natawa lang si Mommy sa sinabi ko.


"Sige maiwan ko muna kayo. Magp-prepare lang ako ng merienda nyo." tapos ay nagtungo ng kitchen si Mommy.


Grabe, paano ko ba naging kaibigan ang isang to?


Actually, hindi ko din alam kung pano. Basta one day he just claimed na magkaibigan daw kami, nag-agree na lang ako sa kanya dahil daig nya pa ang mga babae sa kadaldalan.

"Hindi ko naman sinabi na bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Tinatanong ko lang kung anong ginagawa mo dito?"

"I'll stay here for good." sabi nya.

"Oh? Anong pumasok sa isip mo at naisip mo na mag-stay dito?"

"My parents, sila ang may gusto na mag-stay ako dito. And... gusto ko din na itama yung mali ko. Do you remember the girl whom I left two years ago?" tanong nya kaya tumango ako.

Dahil nga isa s'yang madaldal na nilalang nai-kwento nya sakin noong nasa U.S. pa'ko yung tungkol sa girlfriend nya na iniwan nya dito two years ago.


"Gusto ko linawin sa kanya yung nangyari noon. I want to tell her the truth, and win her back." sabi nya.


Hindi na'ko nagtanong sa kanya kung ano bang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend nya dahil hindi naman kasi ako interested sa love story nila.

"Win her back? Pano kung hindi ka na mahal? Two years kang nawala sa buhay nya kaya wag kang mag-expect na babalikan ka nya." payo ko sa kanya habang tina-tap yung balikat nya.

"Kundi ka ba naman isa't kalahating shunga! Sana una pa lang sinabi mo na kung ano man yung real reason mo kung bakit mo sya iniwan." pagpapatuloy ko.

"Kaya nga ko bumalik diba?" sabi nya.

"Hay! Ewan sa'yo. Goodluck na lang." sabi ko.

"By the way, may hihingiin akong favor sa'yo." sabi nya.

"Palagi ka namang humihingi ng favor sa'kin eh. Ano ba yun?" tanong ko.

Madalas kasi s'yang humingi ng favor noong nasa States pa kami nakatira.

"Tulungan mo 'kong--"

"Hoy! Kung hihingi ka sa'kin ng tulong para magkaayos kayo ng ex mo, It's a big NO! N.O." singit ko.

"Tss. Hindi yon. Magpapatulong lang ako na maghanap ng condo unit." sabi nya.


"Ay hehe! Sorry naman. Pero may alam ako, dun malapit sa condo unit ko may vacant ata dun."

kumuha ako ng pirasong papel at sinulatan yun.


"Eto oh." sabay abot ko sa kanya ng pirasong papel.

"Ano naman yan?" takang tanong nya.

"Address yan ng condo na tinitirhan ko." sabi ko.

"Teka, hindi mo manlang ba 'ko sasamahan?" tanong n'ya.

"Nah, lumaki ka naman dito sa Pilipinas kaya sure akong matutunton mo yan. Go na!" sabi ko at hinatid ko na s'ya palabas ng gate namin.


"Bye-bye!!" sabi ko.

Pagkatapos ay pumasok na'ko sa loob ng bahay namin.

Sobrang namiss ko tong bahay namin, and namiss ko din si Mommy kaya dito muna ko matutulog today.

Ano na kayang itsura ng kwarto ko ngayon?




___

Dahil may mga nagcomment last chapter, ayan sinipag ako mag-ud haha. So thankseu for all the votes and comments! Happy reading wag masyado magpupuyat maawa kay eyebags!

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now