Chapter 36

228 6 0
                                    

THEA'S POV

"You got comatose a year ago right?" Tumango lang sya at seryosong nakikinig sa mga sasabihin ko.

"At wala kang naaalala kundi yung huling nangyare lang na nabangga ka, tama ba ko?" Tanong ko.

"Yeah, ano ba dapat kong maalala, diba nga tulog ako non. Comatose ako so meaning, wala akong huling maalala kundi yung aksidente na nabangga ako ng SUV." Sagot nya na medyo naguguluhan.

"Pero behind that comatose thing ay nagkaroon ka ng mission, isang mission para madugtungan ang buhay mo. At dahil dun nakilala mo ko, and si Aki. May third eye si Aki kagaya ko kaya nakikita ka nya noong time na kaluluwa ka pa." Naputol ang sinasabi ko ng magtanong sya.

"What about my mission?"

"Nagkaroon ka ng mahalagang mission sa buhay ni Aki, ang mapagbago ang pananaw nya tungkol sa buhay kasi that time he's so hopeless and suicidal. Namatay yung kapatid nya and mommy nya bata pa lang sya and sya ang sinisi ng daddy nya dahil sa aksidenteng nangyare sa Mom and twin nya. Tapos si that time iniwan din sya ng ex niya na si Trixie. And there dahil nga nakikita ka nya ay naging successful yung mission mo napagbago mo sya. Nagkaroon na ng direksyon yung buhay nya. Hinintay ka nya."

"May mga part sa sinabi mo na nag-aapear noon sa dream ko, pero sobrang labo ng image. And ano naman yung tungkol kay Trixie?" Nakita kong napataas ang kanang kilay nya habang tinatanong yun.

"And yung tungkol kay Trixie, nasa panganib sya Eira. Yung Trixie na nakakasalamuha mo, yung Trixie-ng masama na nakikita ng ibang tao... hindi sya yun. Maniwala ka man o hindi ay isang anghel ang nasa katawan nya."

"Haha isang Anghel? Thea niloloko mo ko? Nakita mo ba ang ugali ni Trixie? She act like a demon, Thea." Hindi makapaniwalang sabi nya.

"But believe it or not hindi si Trixie ang nakakausap mo. She's an Angel na nagbago dahil sa sobrang inggit at galit at higit sa lahat binago sya ng pagmamahal."

"What do you mean?"

"Bata pa lang ay binabantayan na nya si Aki, and because of that she fell in love. Ginagamit nya yung katawan ni Trixie ngayon para makasama si Aki."

"Is that true? Pero parang ang hirap paniwalaan eh!" Naguguluhang sabi nya.

"I know, pero believe me. Totoo ang lahat ng yon, naaawa din ako para kay Trixie dahil sa nangyayare sa kan--"

"Araaay!"

Napatigil ako sa pagsasalita at nataranta ng makita kong napahawak si Eira sa sentido nya at napasigaw.



EIRA'S POV

Matapos kong marinig ang sinabi nya parang may mga part sa kinukwento nya na nag-aapear sa utak ko.

Kagaya na lang ng banggitin nya ang tungkol sa naging mission ko raw.

Napahawak ako sa sentido ko at napapikit ng mata, parang biglang sumakit yung ulo ko.

"Araaay!" Sabi ng maramdaman ko na parang pinipiga yung utak ko.

Habang nakapikit ako ay biglang nag-appear sa utak ko ang isang hour glass.

"Eira anong nangyayare sa'yo?" Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Thea na mukhang nag-aalala.

"Thea, parang-- parang may naaalala ako." Panimula ko.

"Anong naaalala mo?" Tanong nya.

"Sumama ka saken. May ipapakita ako sa'yo." Sabi ko pagkatapos ay tumayo at nagtungo sa kwarto ko.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now