Chapter 07

341 14 1
                                    

EIRA'S POV:

Kasalukuyan ako nakahiga sa kama ko at nakatingin sa may ceilings.

Wala namang masyadong pinagbago yung kwarto ko, ganun pa din kasi ang ayos.

Bakit ganon? Feeling ko may kulang sa pagkatao ko simula ng nagising ako sa pagkakacoma.

Hindi ko maipaliwanag pero ramdam ko na may kulang.

*tok tok*

Napatingin ako sa may pinto at nandon si Mommy.

"Anak may bisita ka sa baba." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Sino pong bisita?" tanong ko kay mommy.

"Nako anak bumaba ka na lang ng makita mo kung sino." sabi ni Mommy.

Pagkatapos ay umalis na.

Wala na kong nagawa kundi ang bumangon na lang sa pagkakahiga at bumaba para alamin kung sinong bisita ang sinasabi ni Mommy na bisita.

"Eira!" anong ginagawa nya dito? Bakit nandito si Althea?

"Althea? Teka ano pala ginagawa mo dito at pano mo nalaman na dito ako nakat-"

"Hep! mamaya ko sasagutin yang questions mo, we need to talk first."

Ano naman kayang pag-uusapan namin?

"Tita, may pupuntahan lang kame ni Eira!" pagpapalam nya kay mommy.

Can someone tell me what the hell is happening? Naguguluhan na talaga ko.



ALTHEA'S POV

kanina pa ko tulala dito sa may kwarto ko.

"Hays! Ano bang gagawin ko? I need to help them."

nakatulala lang ako habang inaalala yung nangyari kani-kanina lang.



*Flashback*

Pagkababa ko sa kotse ni Ethan ay pumasok na agad ako sa bahay namin.

Wala sila Mommy ngayon dito kaya ako lang mag-isa. May isa kaming kasambahay pero nag-day off ngayon.

Dumiretso na agad ako sa kwarto ko pagpasok ko sa bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga ako sa may kama para makapagrelax, medyo nanakit kasi yung paa kanina dahil sa suot kong may heels.

Maya-maya ay may biglang tumamang liwanag sa mga mata ko kaya napapikit ako.

Teka san galing yung liwanag na yun?

Nagtaka akoo kaya minulat ko ang mga mata ko at kusang loob akong napatayo dahil sa gulat ng may nakita akong babae sa harap ko.

Hindi naman sya mukhang nakakatakot dahil ang amo nga ng mukha nya eh, nabigla lang talaga ko.

"T-teka... sino ka?" Yan ang una kong natanong ng makabawi sa pagkakagulat.

"Ako si Angel Hope." Mahinahong boses na sabi nya.

Wait-- what?

I thought wala na 'kong third eye? What happen bakit nakikita ko sya?

"I need your help. They need your help." Wala kong maintindihan sa kahit na anong sinabi nya.

"Sinong 'they' yung tinutukoy mo?" Pagkatanong ko nun ay dahan dahan nyang itinapat yung right palm nya sa tapat ng mga mata ko.

Biglang may nag-appear sa mata ko na mga pangyayari...

One year ago.

Nakita ko lahat dun ng mga nangyari noon magmula ng maaksidente si Eira hanggang sa magising sya sa pagkakacoma.

Si Eira? S'ya yung kumausap sa Dad ni Akihiro at sya yung naging way kaya hindi natuloy yung engagement party noon?

Ang saklap naman pala ng kwento nila... they love each other kaya lang nakalimot yung isa, habang yung isa still hoping na maalala sya.

"Kaya tulungan mo 'ko na ipaalala kay Eira ang mga nangyari noon. Hindi man maalala ng utak nya ang meron sa kanila ni Aki pero alam kong maalala yun ng puso nya." Nakangiting sabi nya pagkatapos ay biglang naglaho.

Kaya pala ganun sya umakto kanina? Kaya pala hindi nya 'ko kilala o maalala?

*End of Flashback*

Tinext ko si Ethan para hingiin yung address nila Eira. Mabilis naman syang nagreply kaya nagmadali akong pumunta sa tinext na address ni Ethan.

Pinagpaalam ko agad si Eira sa Mommy nya na may pupuntahan lang kami, Kilala ko naman yung mom ni Eira dahil highschool friends sila ng Mommy ko.

I really need to talk to her, kailangan ko sabihin sa kanya yung mga nalaman ko.


Pero maniniwala ba sya sa sasabhin ko?



---
Thanks for reading anyway. Sorry sa super tagal na update. -hyerin Thankyouus fo sa napaka gandang coverrr, ayan na naka-ud na is me :)






MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now