Chapter 18

256 11 0
                                    

THEA'S POV:


Nang buksan ko yung pinto ay nagukat ako sa kung sino ang nasa harapan ko.

T-tama ba yung nakikita ko ngayon? Nakatayo sa harapan ko si Kiel.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng makabawi sa pagkakagulat.

"Pwede ba tayong mag-usap? Please?" tanong nya.

"What if ayoko?" sabi ko.

"Thea, Please?" mahinahong sabi nya.

"Sige na, pumasok ka." sabi ko at naglakad papuntang living room.

I think this is the right time para makapag-usap na kami, I should hear his side.

"Umupo ka." sabi ko pagkatapos ay nagsalita ulit.

"Ano ba yung pag-uusapan natin?" Casual na tanong ko.

Bakit parang nung nakaharap ko na sya ng tuluyan ay parang wala na 'kong maramdamang galit at sakit sa puso ko?

Hindi ko maiwasang magalit nung mga nakaraang araw kapag naiisip ko yung nagawa nya noon, pero ngayong kaharap ko na sya...

Hindi ko na magawang magalit sa kanya. Naka move on na nga ba talaga ko? O hindi ko magawang magalit dahil hanggang ngayon may feelings pa din ako para sa kanya?

"Two years ago... I tried to do everything para lumayo ka sa'kin dahil ayaw ng parents ko sa'yo. I didn't cheated on you I swear, at never akong umalis ng hindi nagpapaalam sa'yo. May pinadala ako sa'yong letter noon nung araw na pupunta na'ko sa States, ayaw akong palapitin pa ako ng parents ko sa'yo nun and kinonfiscate din nila yung mga gadgets ko noon kaya hindi manlang kita natawagan." Nakikinig lang ako habang nagk-kwento sya.

"Wala kong natanggap na kahit na anong sulat." sagot ko at umiling.

"I know dahil Mommy mo daw yung nakatanggap ng sulat na yon." sagot nya.

Tumango lang ako sinabi nya, hindi na'ko nagulat sa sinabi nya dahil matagal ko ng alam na magkaaway yung mga parents namin dati pa.

"Thea, I'm sorry. I was a fucking coward that time para ipaglaban ka sa parents ko." pahabol nya.

"Okay na. Apology accepted na and besides matagal na din yun past is past na. Hanggang ngayon ang drama mo pa din pala." natatawang sagot ko.

"May isa pa 'kong tanong." seryosong sabi nya.

"Ano yun?" tanong ko.

"I know this is too much to ask pero bibigyan mo ba 'ko ng second chance paghumingi ako sa'yo ng second chance?" napatigil ako dahil sa tanong nya na yan.

Bigla kong naisip si Ethan, unfair to para sakanya.

"Si Ethan..." banggit ko.

"Nag-usap na kami ng kumag na yon, ang gwapo ko daw sabi nya."

"Anong pinag-usapan ny-" naputol yung sasabihin ko ng biglang may nagdoorbell.

"Sandali lang." Paalam ko kay Kiel pagkatapos ay nagtungo sa pinto para tignan kung sino yung nagdoorbell.

Nang makita ko kung sino yun ay parang na-istatwa 'ko sa kinatatayuan ko.

Ewan ko pero parang may kakaiba 'kong naramdaman ng makita ko sya.

"Hindi mo manlang ba 'ko papapasukin?" tanong nya na nagbalik sakin sa kasalukuyan.

"S-sorry pasok ka." sabi ko at naglakad na papuntang living room.

"Walangya bro! Wala ka ba talagang tiwala sa kagwapuhan ko?" sabi ni Kiel ng makita nya si Ethan na kasunod ko.

"Oo, dahil mas gwapo 'ko sayo." sagot ni Ethan at naupo sa may couch kaharap si Kiel.

"Mabuti naman at okay na kayo. Bakit pala nandito ka Ethan? Gabi na ah." tanong ko.

Sasagot pa lang sana s'ya ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Thea, sino sila?" boses ni Daddy yung narinig ko kaya napalingon ako.

"Suitors nya po kami." Sabay na sabi nilang dalawa na ikinagulat ko.

"Ganun ba? Sige na Thea umakyat ka na sa kwarto mo. May pag-uusapan lang kami netong mga suitors mo daw." ma-awtoridad na sabi ni Daddy na kaagad ko namang sinunod.





MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now