Chapter 24

252 10 0
                                    

THEA'S POV


Kasalukuyan akong nakahiga at nagpapagulong gulong sa kama ng biglang nakaramdam ako ng malamig na hangin na ikinataas ng mga balahibo ko.

Maya-maya ay biglang may nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mata ko kaya napapikit ako.

"I-ikaw yung Anghel na nakita ko noon." Gulat na sabi ko matapos kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko.

Hindi naman na ako natakot dahil medyo sanay na naman yung sistema ko dati na nakakakita ng mga hindi ordinaryong tao. Pero anghel iba ito eh, dahil Angel sya.

Ilang segundo ang lumipas ng may marealize ako, naalala ko na humingi nga pala sya ng tulong sakin noong nagpakita sya sakin.

Pero paano ko naman sya matutulungan kung wala naman talagang maalala si Eira diba?

"Thea, nasa panganib ngayon si Eira at lalo na si Trixie." Bigla akong kinabahan sa narinig ko.

Pero teka, Trixie?

San ko nga ba narinig yung pangalan na yan?

Inisip kong mabuti kung sino yung Trixie at maya maya ay naalala ko na. Sya yung usap-usapan sa school na ang laki daw ng pinagbago simula ng bumalik dito sa bansa. At ex girlfriend ata sya ni Aki. Nalaman ko lang lahat yan sa mga chismosang students sa tabi tabi. Hehe.


"Huh? What do you mean nasa  panganib si Eira, eh diba sinave nga sya ni Aki sa panganib." Sagot ko sa Angel na kaharap ko.


"Si Trixie, nasa panganib sya, at kasalanan ko kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to ngayon." Sagot nya habang nakatingin sa kawalan.

Habang Ako naman ay walang maintindihan sa sinasabi nya kaya nakatingin lang ako sa kanya at pilit na iniintindi ang mga sinasabi nya.

"May isang Anghel si Angel Sorrow, nagkagusto sya sa isang tao. At dahil sa nararamdaman nya para sa taong yun ay nagbago sya, unti-unti syang nilamon ng kasamaan, at ngayon ay ginagamit nya si Trixie para makuha ang taong gusto nya. Kasalanan ko ang lahat dahil wala kong nagawa para mapigilan sya."

Ginagamit nya si Trixie para makuha yung taong mahal nya? Pero sino yung tinutukoy nya na gusto nung Angel Sorrow at anong kinalaman ni Eira kay Trixie? Hindi kaya si....


"Si Aki ba yung tinutukoy mo na gusto nung Angel Sorrow?" Nag-aalangan na tanong ko dahil hindi ako sigurado sa tanong ko sa kanya.

"Tama ka. Si Aki yung lalake'ng gusto nya." Walang emosyon na sagot nya.

"Pero pano? Pano sya nagkagusto kay Aki?" Pagkatapos kong magtanong ay itinapat nya yung palad nya sa mukha ko at may nag appear na pangyayari sa utak ko.


"Cute ka sana kaso palagi kang sad, pero ano pa bang i-eexpect ko? Anghel ako na tagabantay sa mga malulungkot na tao." Sabi ng babae habang nakapout at tinitignan ang batang lalaki na nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.

Maganda yung babae at maputi din sya kagaya ni Angel Hope.

May mga iba pang scene akong nakita hanggang sa lumaki na yung batang lalake, si Aki.



Natigil yung nakikita kong pangyayari sa utak ko ng tanggalin nya yung palad nya na nakatapat sakin kanina.

"Yon ang naging dahilan para makaramdam sya ng pagkagusto kay Aki. Bata pa lamang ay sya na palagi ang Anghel na nagbabantay kay Aki pagnakakaramdam ito ng kalungkutan. Pero dumating yung araw na hindi nya na kailangang gabayan at bantayan si Aki dahil naging masaya na si Aki kahit papaano ng dumating si Trixie sa buhay nya, pero gumawa si Angel Sorrow ng hakbang para mawala Trixie sa buhay ni Aki, binigyan nya ng malubhang sakit si Trixie kaya umalis ito para magpagamot sa ibang bansa. At ngayon gusto nya'ng mawala ng tuluyan ang mga babae na sa tingin nya ay kaaway nya. Si Trixie at Eira."



---

Hu-key! I Know this is beri beri bitin. Next week na lang is me babawi sa pagiging hiatus! marami kasi kaming kailangang gawin at ipasa na project this week. And Goodluck sa mga mag-pperiodical this week! Don't forget to pray hihi 😉😊




MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant