Chapter 34

234 6 0
                                    

THEA'S POV

'Huwag kang mag-alala Thea, hindi ko hahayaang magwagi ang kasamaan laban sa kabutihan.'

Nagising ako sa pagkakatulog dahil napanaginipan ko si Angel Hope.

Is this the sign? Dapat kong gawin ang tama ang sabihin kay Eira ang mga dapat n'yang malaman. Ngayon buo na ang desisyon ko.

Kaagad akong bumangon at naligo, pagkatapos kong mag-aayos ng sarili ko ay lumabas nako ng bahay para puntahan si Eira.

Tinext ko sya kung nasaan sya ngayon at mga ilang minuto ang lumipas bago sya nagreply na nasa bahay sya nila.


EIRA'S POV

Maaga ako nagising ngayong araw, nandito ako ngayon sa bahay namin ni Mommy dito kasi ako hinatid ni Ethan kahapon.

Nasa kwarto ko ako ngayon at chine-check yung mga gamit ko, ganon pa din yung ayos netong kwarto ko hanggang ngayon.

Habang ina-arrange ko yung mga gamit na nakapatong sa side table ko ay tumunog yung phone ko.

Tinignan ko yung phone ko na nakapatong sa pillow. Sino naman kaya ang magt-text ng ganito kaaga?

Kinuha ko yun para tignan kung kanino nanggaling yung text. And I found out na kay Thea galing yung text message, she's asking me kung nasaan ako.

Medyo na w-weirdan na talaga ko sa kanya... last time sa hospital may sasabihin dapat sya pero hindi nya nasabi dahil may emergency sa kanila, tapos kahapon lang tinawag ko sya hindi nya ko pinansin then ngayon naman nagtext sya saken.

Ilang minuto rin bago ko nakapagreply dahil sa mga pumasok sa isip ko.

"Ay butiki!" Hawak hawak ko yung phone ko ng biglang may nalaglag sa ulo ko, literal na butiki!

Dahil sa pagkakagulat ay dumulas sa kamay ko yung phone ko.

Kaagad ko namang ginulo yung buhok ko para umalis yung butiki na nasa ulo ko. Nalaglag ata yun galing sa ceiling.

Nang mawala na yung butiki sa ulo ko ay hinanap ko na yung phone ko.

"Teka asan ba yun?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatayo at chine-check yung sahig kung san napadpad yung phone ko.

Maya maya ay tumunog yung phone ko, hinanap ko yung tunog ng phone ko at nakita ko yun sa ilalim ng kama ko.

Nang makuha ko na yung phone ko ay may nahagip ang mga mata ko... isang hour glass na walang laman na sand sa loob?

Kinuha ko yun para tignan ng malapitan.

Bakit ganoon? Nang hawakan ko yung hour glass ay parang may naalala ko pero hindi ganoon kalinaw kaya hindi ko masyadong ma-explain.

Pero kanino tong gamit na to? Wala kong matandaan na mero akong ganitong hour glass?

Habang pinagmamasdan ko ang hour glass na yun ay biglang may kumatok, at narinig kong bumukas ang pinto.

"Eira anak, may mga bisita ka sa baba." Sabi ni mommy kaya napatingin ako sa direksyon nya.

"Sino po? Si Thea po ba?" Tanong ko dahil sya lang naman ang naiisip ko na magiging bisita ko dahil tinext nya kung nasaan ako ngayon.

Pero 'mga'? Ibig sabihin more than one. Sino naman kaya ang isa kung si Thea yun?

"Hindi si Thea anak. Trixie ang pangalan ng babae at Thirdy naman yung pangalan ng lalake." Sagot ni Mommy na naging dahilan para magsalubong ang kilay ko.

"Sige na Eira, may pupuntahan pa ko eh. Bumaba ka na lang sa baba, naghihintay sila sayo sa may sala." Sabi ni mommy kaya tumango na lang ako pagkatapos ay lumabas na si Mommy sa kwarto ko.

Si Trixie nandito? At kasama si Thirdy? Bakit sila magkasama dito, at anong ginagawa nila dito?

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now