Chapter 16

279 10 1
                                    

AKI'S POV:

Nakatingin ako ngayon kay Trixie and now she's crying.

"A-aki it wasn't my intention t-to say those words to h-her. Believe me." pagaw yung boses na sabi nya.

"Its okay Trixie. Just say sorry to her." Sagot ko na ikinagulat nya.

"W-what? You want me to apologize to her?!" galit na tanong nya.

"Yes because that's the right thing to do Trixie." I said.

"What if... What if hindi nya tanggapin yung sorry ko? What if ipahiya nya lang ako?" nagaalalang tanong nya.

"Kilala ko si Eira, at alam kong hindi nya yun magagawa." sagot ko.

"Bakit ba puro ka na lang Eira ha? Pano naman ako? I love you Aki hindi mo ba nararamdaman yun?" naiiyak na sabi nya.

Simula ng magbalik s'ya parang ang dami nang nagbago sa kanya.

"I love her more than I loved you before and more than I love myself. " sagot ko.

"So what's the point of staying by my side if you can't love me back huh?!" galit na sabi nya.

"You're sick Trixie, gusto kong makasama yung babaeng mahal ko pero hindi ko magawa yun because you said you need me."

I chosed to stay at her side, gusto kong makasama si Eira pero hindi ko magawa dahil kailangan nya ko.

Yung time na nakita ko si Eira sa may rooftop no'n, gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa dahil na g-guilty ako sa mga sinabi ko sakanya hanggang sa umalis na nga sya.

Actually hindi naman talaga 'ko nainis sa kanya noon dahil sa mga sinabi n'ya tungkol kay Trixie, kundi nung tinawag n'ya 'kong 'Aki'. Nasanay kasi ako na tinatawag n'ya kong Kiro.

Kaya ng iniwasan nya'ko ay hindi 'ko alam kung paano 'ko gagawa ng way para magkaayos kami.

I fall for her hardly, na yung tipong hindi ko kayang magpatuloy sa buhay oras na mawala sya.



EIRA'S POV:

Pagkalabas ko ng cafeteria ay hinanap ko na lang si Ethan para sabihin na may Family Dinner mamaya.

Nakita ko s'ya sa di kalayuan kasama sila Chan at Gelo na nag-uusap usap.

I greeted them pagkatapos ay humarap ako kay Ethan na ang lungkot ng mga mata.

"May Family Dinner daw tayo mamaya sabi ni Daddy." sabi ko.

"Sige pupunta ko." tipid na sagot nya.

"Okay. Sige mauuna na'ko, bye!" paalam ko sa kanila.

"Bye Pinsan!" rinig kong sigaw ni Chan habang naglalakad ako.

Kinagabihan...

Tahimik lang kaming nakain ng biglang magsalita si Daddy.

"How's school, Eira and Ethan?" tanong ni Daddy.

"Okay naman po dad." sagot ko pero ito'ng si Ethan ay parang walang planong sumagot dahil lumilipad yung isip kung saan saan.

Naisipan kong sipain yung paa nya sa ilalim ng lamesa para mabalik sa mundo naten.

Napatingin sya sakin matapos ko gawin yun, sineyasan ko sya at tumingin ako kay Dad. Alam kong na gets nya yung sinabi ko.

"Sorry, ano nga po ulit yun dad?" tanong nya kay Daddy.

"I said kamusta yung pag-aaral nyo ni Eira sa School nyo?" pag uulit ni Daddy sa tanong nya kanina.

"Ayos naman po dad." sagot nya.

May iba pang mga tinanong si daddy at karamihan no'n ay ako na lang ang sumagot.

Naiintindihan ko naman kung bakit lutang tong isip ni Ethan ngayon.

"By the way Ethan, may nililigawan ka right? Wait- What's her name again?" nag-iisip na sabi ni Daddy.

Habang si Ethan naman ay napatingin kay Daddy.

"Ah tama her name is Thea right? So ano nang status nyo, sinagot ka na ba?" tanong ni daddy na naging dahilan para mabulunan si Ethan.

Napailing na lang ako. Tsk, kung alam mo lang dad...

Its very complicated.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now