Chapter 32

242 10 0
                                    

ETHAN'S POV

[Flashback...]

Naglalakad ng may mapansin ako sa di kalayuan.

Nakita ko si Trixie na hawak hawak sa may braso si Thea.

Sinundan ko sila kung saan sila papunta, tumigil sila sa isang medyo tagong lugar dito sa campus na bihira lang daanan ng mga estudyante.

Nagtago ako para hindi nila ako makita. Narinig ko lahat ng napag-usapan nila pero hindi ko maiwasang magtaka sa mga sinabi ni Trixie kay Thea.

Nang matapos na silang mag-usap ay kaagad kong sinundan si Trixie para klaruhin yung mga nadinig ko.

"Trixie!" tawag ko sa kanya habang naglalakad sya kaya napahinto sya.

"Oh Ethan!" natatawang sabi nya.

She's being weird simula ng nagbalik sya.

"Tungkol saan yung pinag-usapan nyo kanina ni Thea? At bakit nabanggit mo yung pangalan ni Eira at ng Tatay ni Thea?" diretsong tanong ko.

"Sabi na nga ba nakikinig ka kanina." natatawa paring sabi nya. Baliw na ba ang babaeng to?

Bahagyang nagulat ako sa sinabi nya, paano nya nalaman?

"You seems so clueless boy. But don't worry, let me tell you 'Everything'."

[End of Flashback...]

THEA'S POV

[Flashback...]

Mga ilang araw na rin simula ng sinugod si Daddy sa Hospital..

Nalaman namin na may sakit si Daddy, pero ang sabi ng doctor ay nakakapag taka yung case ni Daddy dahil ayos naman yung findings sakanya last time na magpunta sya sa Hospital.

Nasa School na'ko ngayon at balak ko ng sabihin kay Eira ang tungkol kay Trixie.

Naputol kasi ang kinu-kwento ko noon sa kanya sa Hospital ng tawagan ako ni Mommy dahil sa nangyari kay Daddy.

Naglalakad ako papunta sa building nila Eira ng biglang may humigit sa kaliwang braso ko.

"Aray naman!"

Sa sobrang lakas ng pwersa ng humila sa'kin ay halos makaladkad na'ko.

"Shut up." sabi ng humila sa'kin bago binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.

Nang makita ko kung sino yung humila sa'kin ay bigla kong naramdaman ang paglamig ng buong katawan ko at ang pagtatayuan ng balahibo ko.

Ramdam ko ang Enerhiya sa likod ng katawang ginagamit nya.

"Angel Sorrow..." nakangising sabi ko habang binabanggit ang pangalan nya.

"Kilala mo na ko kaya hindi nako magpapakilala sayo. Pero may gusto akong sabihin sa'yo. Hwag na hwag mong sasabihin kay Eira ang mga nalalaman mo dahil maari itong makasira sa mga plano ko." hindi ko masyadong mabasa ang emosyon sa mukha nya.

"Sa masamang plano mo. At sa tingin mo susundin kita?" matatawang sabi ko.

"Susundin mo 'ko dahil hawak ko ang buhay ng tatay mo. Hwag ka ng magtaka dahil oo ako ang may kagagawan ng sakit nya." sabi nya pagkatapos ay tumawa na parang tawa ng isang demonyo.

Bahagyang nagulat ako sa mga sinabi nya.

Hindi nya pwedeng saktan ang Daddy ko o ang kahit sinong myembro ng pamilya namin.

Really? Paano sya naging anghel kung ganito naman ang ugaling meron sya.

She's a devil and not an Angel.

"Devil." Gigil na sabi ko.

"Tick. Tock. Tick. Tock."  mabagal nyang sambit na parang nang-aasar pagkatapos ay tinapat ang isang kamay nya sa may leeg nya at pinadausdos ito ng sumisimbolong 'dead'.

Natigilan ako sa mga sinabi nya at hindi ko na namalayan na wala na pala sya sa harapan ko.

[End of Flashback...]

kanina pa ko nagpapabalik balik maglakad dito sa kwarto ko.

Sobrang naguguluhan kasi ako sa gagawin ko, dumagdag pa si Ethan na lalong nagpagulo sa isip ko.

Nakiusap sya saken na wag kong sabihin kay Eira ang mga nalalaman ko. I guess may alam sya sa nangyayare, pero sa tingin ko hindi nya alam ang buong pangyayare.

Kaya kanina ng tawagin ako ni Eira ay hindi agad ako nakasagot sa halip ay umuwi muna ako samin para makapag-isip.

I'm too selfish kung itatago ko kay Eira ang nalalaman ko lalo na't maaring may masamang gawin sa kanya ang Angel Sorrow na yun.

Pero iniisip ko din naman ang maaring mangyari sa Daddy ko kapag ginawa ko yun.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now