Chapter 26

255 13 2
                                    

EIRA'S POV

"Don't you dare call me Hiro." Madiin na sabi ng kausap ko.

"Oh sige ang haba naman kasi ng Akihiro, ayaw mong tawagin kitang Aki, ayaw mo din ng Hiro, edi Kiro na lang. Oh ayan baka umangal ka pa!?"

~~

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Ang weird ng panaginip ko, parang totoong nangyari na yun dati. Pero hindi ko na matandaan. Tiningnan ko sa phone ko kung anong oras na ba.

8:38am

Ang haba pala ng itinulog ko. Pero teka- May pasok nga pala ako ngayon!

Pumunta 'kong bathroom para maligo at gawin ang mga dapat na gawin.

Sa condo unit ko muna ako tumuloy dahil baka makita ni Mommy tong mga bruises sa braso ko.

Napahawak ako sa may sentido ko  at napapikit na lang dahil hindi ko alam kung bakit sumasakit ng ganito yung ulo.

Dahil ba 'to sa pagkakauntog ko kahapon?

Nasa school na'ko ngayon at Ewan ko ba dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Nagd-discuss na yung prof pero eto ako at lutang pa rin.

Nabaling yung tingin ko sa katabing upuan ko.

He's not here.

Tss. Edi sya na ang caring na ex!

Nang mag lunch break na ay nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng makakain.

Habang kumakain ako ay hindi maiwasan makadinig ng mga bulungan at chismisan ng mga estudyante.

"girl narinig mo na ba yung news?"

"what news?"

"Si Aki nasa hospital daw ah. Nabangga daw habang nagd-drive ng lasing."

"what?? You sure girl?"

"dunno. narinig ko lang somewhere eh."

Kumunot ang noo ko sa narinig kong pinag-uusapan nila.

Out of curiousity ay tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa dalawang babaeng nag-uusap.

"Excuse me, pwede magtanong?" Sabi ko paglapit ko sa kanila.

"You're Eira right?" Tanong ng isang babae.

Kaya dahan dahan akong tumango bilang sagot.

"Ano pala yung itatanong mo?" Tanong naman ng isang babae.

Aish bahala na. I still care about him, because he's a friend of mine.

"I just wanna know kung ano... kung yung Aki ba na tinutukoy nyo ay si Akihiro Zamo-" bago ko pa matapos yung mga sasabihin ko ay sumagot na yung isang babae.

"Yeah siya nga. Nabangga daw yung car nya kahapon, I don't know the whole story eh. Diba close kayo ni Aki, bakit hindi mo ata alam?"

Napataas ang kanang kilay ko sa naging tanong nya. What the hell is she trying to say huh?

"Ahm thanks for answering my question. And by the way, yung tanong mo kanina? None of you effin' business okay? Sige mauuna nako." Sabi ko at lumabas na ng cafeteria.

Paglabas ko sa Cafeteria ay hinanap ko sila Ethan at ang mga kaibigan ni Aki, I wanna know kung ano bang nangyari?

Because I fucking care about him.

I don't know kung bakit ganito yung nangyayari sakin.

There's a part of me na gustong malaman kung okay lang ba sya.

Nasa room na'ko ngayon at nagd-discuss na yung prof, nakatingin ako sa harap na tila nakikinig pero ang totoo ay walang pumapasok kahit isa sa isip ko sa mga sinasabi ng prof.

Wala akong nakita ni isa sa mga kaibigan ni Kiro.

I called Ethan and Chan. Pero parehas naman cannot be reach ang mga cellphone nila.

Kakaibang kaba ang nararamdaman ko habang iniisip kung ano ba talagang nangyari sa kanya...

***

Sorry for the long wait. Thanks for reading.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon