Chapter 03

432 14 3
                                    

ETHAN'S POV:

"I told you bro! Hindi basta rumors yung narinig ko. Look."

Napalingon ako ng may itinuro si Gelo sa may bandang likuran namin ni Chan.

Nagulat ako ng makita si Eira at Aki na magkatabi. Magkasama ba sila?

"Gago ka bro pinsan ko yan eh." Sabi ni Chan kay Gelo.

Hindi ko alam kung ano yung kanina pa nilang pinag-uusapan dahil nasa cellphone ko ang atensyon ko mula pa kanina.

Hindi ko kasi ma-contact si Thea. Panay ang tawag ko sa kanya pero palagi akong binababaan ng tawag.

Isang taon ko nang liniligawan ang babaeng to pero hanggang ngayon naghihintay pa din ako sa sagot nya.

"Talaga? Hi pinsan ni Chan!" Sabi ni Gelo at tumayo pa sa inuupuan nya para lapitan si Eira.

Pero bago nya magawa yun ay pinatid ko sya gamit ang paa ko.

Gago talaga to! Umaandar nanaman pagiging babaero.

"Aray. Walanghiya muntikan na magalusan tong gwapo kong mukha Ethan! Pasalamat ka gwapo talaga ko." Singhal nya. Sabay balik sa upuan nya.

"Manahimik ka nga." Poker face na sabi ko. Kanina ko pa kasi naririnig yung boses nya.

Kanina pa sila nagkukwentuhan ni Chan simula ng pumunta kami ng Cafeteria, buti sana kung may sense yung usapan nila puro tungkol lang naman sa mga babae nila.

"Kayong dalawa, magkasama ba kayo?" Tanong ni Chan kanila Eira at Aki.

"Oo." Sagot ni Eira habang si Aki naman ay tumango lang.

"Magkakakilala na kayong apat?" Pabulong na tanong ni Eira kay Chan.

"Oo din." Sagot ni Chan.

"Ay ganon? Ako lang pala OP dito." Sagot ni Eira.

"Kayong dalawa, pano kayo nagkakilala?" Tanong ko.

Bihira lang naman kasi makipagkilala tong si Aki sa mga babae, tapos idagdag mo pa na madaldal si Eira na isang ugali na pinakakinaiinisan ni Aki sa isang babae.

Kaya naman nakakapagtaka talaga.

"I don't care if you wouldn't believe me pero sya yung babae noon sa Osp--"

"NICOLO ETHAN RAMIREZ!!"

Naagaw ang atensyon naming lahat sa babaeng sumigaw ng Napakagwapo kong pangalan.

Sa boses pa lang alam kong galit nanaman to sakin. Ganyan ba epekto ng pagkakawala ng third eye nya?

Nauntog ba sya ng magpassed out sya noon kaya ganyan ang kinalabasan?

"Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinihintay na sunduin ako sa room ko? Akala ko ba nanliligaw ka? Ano? May iba ka na bang liniligawan? Sabihin mo nang hindi ako umaasa!" Matapos nyang magsalita nang napaka-bilis ay kinuha nya yung bottled water na nakapatong sa table na inuupuan namin, pagkatapos ay ininuman nya yun.

Mukha s'yang pagod at pawisan sa itsura nya.

"Hay thanks." Sabay lapag nya ng bottled water.

"Welcome." Natatawang sagot ko, dahil akin yung tubig na 'yon.

"Sa'yo yun?" Awkward na tanong nya at kitang kita ang pamumula ng magkabilang pisngi  nya.



ALTHEA'S POV:

Ngayon lang nag-sink in sa utak ko yung mga ginawa ko.

Tapos nalaman ko pa na sa kanya pala yung bottled water na nainuman ko.

Anong maggagawa ko eh sa uhaw na uhaw na'ko kanina. Ang layo ng building namin papunta dito sa Cafeteria at naka suot pa'ko ng sandals na may heels.

Nakakainis si Mommy dahil pinilit nya 'ko na isuot yung bagong bili nya para sakin na sandals.

Kasalukuyan akong namumula ngayon dahil sa kahihiyan ng mapansin ko yung babae na katabi ni Aki.

Si Eira yun diba? Natatandaan nya pa kaya ko?

____

This is dedicated to you! Thanks for commenting on the last Chapter, sinusulat ko na'to ng mabasa ko comment mo haha. Happy reading everyone! Labsyu all Mwaaps! :*

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now