Chapter 31

239 9 2
                                    

EIRA'S POV

"Pasensya na anak. Buo na ang desisyon ko. Mas magiging maayos ang lahat kung susundin nyo na lang ako." sabi ni Daddy habang nakatingin sakin.

Ilang minuto rin ang lumipas bago rumihistro sa utak ko yung sinabi ni Daddy.

"Daddy naman po? Sigurado po ba kayo sa gusto n'yong mangyari? Alam po ba 'to ni Mommy?" feeling ko ay konti na lang tutulo na yung luha ko.

Sinabi kasi ni Daddy na sa US na kami mag-aaral ni Ethan next semester.

Dun kami titira sa grandparents namin kapag natuloy ang gustong mangyari ni Daddy.

Hindi naman sa ayoko sa grandparents ko pero hindi kasi ako sanay na iba ang kasama ko sa bahay at hindi si Mommy.

Lumaki akong si Mommy ang nasa tabi ko kaya hindi ko gustong mag-aral sa US at don tumira.

"May nagawa ba kong kasalanan daddy? Bakit ipapadala nyo ako sa US?" Pagtatanong ko habang nakatingin kay Daddy.

"Hindi sa ganoon anak, gusto ko lang na maging ligtas ka, maniwala ka."

"Ethan, hindi ka ba tututol sa sinabi ni Daddy?" tumingin ako kay Ethan na nasa tabi ko at seryosong nakatayo.


Sa halip na sumagot sya ay nagkibit balikat lang sya.



"Ethan!" tawag ko sa kanya habang sya naman ay seryosong nakatingin sa kalsada at nagmamaneho.

"What?" tanong nya habang nakatingin pa din sa daan.


"Bakit hindi ka kasi tumutol sa sinabi ni daddy? Kainis ka!" iritadong sabi ko habang tumitingin sa view sa labas ng bintana.

"Atsaka bakit nga pala sinabi ni Daddy na mas magiging ligtas ako pag sa US na'ko nag-aral? Hindi kaya -- " tumingin ako sa kanya at tinuloy ang sinasabi ko.

"Hindi kaya sinabi mo kay Daddy yung nangyareng aksidente noon sa rooftop?!" hindi sya sumagot sa halip ay nagpatuloy lang sa pagd-drive.

Silent means yes.

"Ethan naman eh! Aksidente nga yun diba? Hindi maiiwasan ang aksidente, tsaka hindi naman ako gaanong nasugatan non dahil niligtas ako ni.... Kiro." naging mahina ang pagbanggit ko ng huling word na sinabi ko.

Naalala ko nanaman sya...

Naalala ko nanaman na hindi nya na ako kilala at hindi na nya ko maalala.

Hininto nya yung pagd-drive nya at pinarada yung kotse sa isang tabi.

Nakita kong napangisi si Ethan.

"Niligtas... tell me Eira. Hanggang kelan ka nya ililigtas? Yung nangyare sayo at kay Trixie noon, nagawa ka bang iligtas ni Aki? Hindi diba? Dahil mas inuna nya si trixie kesa sayo. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo para kay Aki... stop it. Walang magandang maidudulot kapag mas lalo ka pang napalapit sa kanya." Feeling ko ay sumikip yung dibdib ko ng marinig ko yung mga salitang binitawan ni Ethan.

Hindi nya naman kailangang ipag-diinan na mas mahalaga si Trixie kay Kiro.

Lalo lang naninikip yung dibdib ko kapag bumabalik sa alaala ko yung mga time na yun.

"P-pano mo nalaman ang tungkol dun?" kahit basag yung boses ko ay pinilit ko pa ding magsalita para magtanong.

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman yun." mahinahong sabi nya.

"I can't understand you Ethan. Kaibigan mo si Kiro pero bakit sa mga sinasabi mo parang --" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko because he interrupted.

"Let's stop this conversation, mabuti pa siguro ay ihahatid na lang muna kita sa inyo." yan ang huling salitang sinabi nya bago nagpatuloy sa pagd-drive.

Hindi na lang ako nagsalita at nanahimik na lang sa buong biyahe.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon