Chapter 17

269 9 0
                                    

ETHAN'S POV:


Nandito ko ngayon sa may garden nila Eira at nagyoyosi.

Wala kong magawang matino sa buhay I felt wasted ng pinili kong mag-give way at bitawan si Thea para sa kaibigan ko.

"Ethan? Kailan ka pa natuto na manigarilyo?" napaangat yung tingin ko ng marinig ko na magsalita si Eira.

"Simula ng pakawalan ko yung babaeng mahal ko para sa kaibigan ko." walang ganang sagot ko.

"Tsk itapon mo nga yan, pollution yan dito sa garden ni Mommy." Itinapon ko na lang yung sigarilyo pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo.

"Bakit ka nga pala nandito? Gabi na ah matulog ka na." sabi ko sa kanya.

"Nandito 'ko para pakinggan ka, so tell me bakit nagkakaganyan ka?" tanong nya.

"I don't know where to start, basta ang alam ko nagkakaganito ko dahil kay Thea, tangna ang laki ng epekto nya sa buhay ko. Ganito pala yung tunay na sakit pagmahal mo talaga yung isang tao, kaya mong magpaka selfless para dun sa taong mahal mo makita mo lang syang masaya." sabi ko na parang maiiyak na.

"Bakit? Sigurado ka bang ikaw lang nasasaktan sa inyong dalawa? At sigurado ka din bang masaya ngayon si Thea na pinagtutulakan mo sya sa ex nya'ng si Kiel?" sagot nya kaya natahimik ako.

Hindi ko alam kung papano ko sasagutin yung mga tanong na binabato nya kung hindi ko naman talaga alam yung dapat na isagot.

"Ano napag-isip isip mo ba yung mga tanong ko? Tsk! Para san pa't bestfriends and siblings tayo kung hindi mo hihingiin ang payo ko." medyo naliwanagan ako sa mga sinabi nya.

Now I made my decisions, hindi pa naman huli ang lahat diba?

"Nga pala may gustong kumausap sa'yo." pagkasabi nya nun ay nakita ko si Kiel na papunta sa direksyon namin.

"Oh Mag-usap kayo ng maayos ha? Baka bukas makita ko may mga pasa na kayo sa mga mukha nyo. Sige mauuna na'ko!" Sabi nya pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay nila.

Hindi ko alam kung ano yung patutunguhan ng usapan namin.

"Dude... Mahal mo ba talaga si Thea?" pagbabasag nya sa katahimikan naming dalawa.

"Gago ka ba? Magkakaganito ba 'ko kung hindi ko mahal si Thea?" sagot ko.

"Gago mas gago ka! Mahal mo pala bakit ayaw mo ipaglaban?" sagot nya.

"Pano ko s'ya ipaglalaban kung una pa lang alam ko na talo na'ko? Hanggang ngayon ikaw pa din yung gusto nya." pahayag ko.

"How sure you are na ako pa din yung mahal nya? She's still mad at me at hanggang ngayon eh ayaw pa din nya makipag-usap sa'kin. Kaya pano mo nasasabi na wala ka ng laban in the first place? Diba ako dapat ang nagsasabi nyan? Dahil two years akong nawala."

Napaisip ako sa mga sinabi nya.

"Why are you telling those things to me if you want to win her back?" tanong ko sa kanya.

"Hindi porque sinasabi 'ko to sa'yo ay nagpapaubaya na'ko sayo. I just want to be fair, So ano may the best man win na lang?" tanong pagkatapos ay nakipagbro-fist.

"Sige na bro! Pupuntahan ko pa si Thea aakyat pa 'ko ng ligaw." natatawang sabi nya.

"Gago ka bro habulin ka sana ng mga asong kalye!" natatawang sabi ko.

"Okay lang! Magkasama naman kaming tatakbo ni Thea!" rinig kong sagot nya bago tuluyang umalis.




THEA'S POV:

Dahil wala akong magawa ay nandito ako ngayon sa may kitchen at kumakain ng ice cream.

Mayamaya ay may biglang nagdoorbell.

Baka sila Mommy at Daddy na yun. Pero nakakapagtaka naman dahil hindi na nagd-doorbell sila Mommy at Daddy pag nadating.

"Wait lang po!" sigaw ko.

Pumunta na'ko sa may pinto para buksan yun at nang buksan ko yon ay nagulat ako sa kung sino ang nasa harap ko.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now