Chapter 35

236 6 0
                                    

EIRA'S POV

Pagbaba ko sa may living room ay nakita ko nga doon si Thirdy at Trixie.

"A-anong ginagawa nyo dito? And bakit kayo magkasama?" Nag-aalangang tanong ko sa kanila.

"Actually nagpasama lang saken tong si Trixie dahil may importante daw syang sasabihin sayo, she's my cousin by the way. I guess hindi ako kailangan dito kaya mauuna nako." Sabi ni Thirdy pagkatapos ay nagsign sya na aalis na sya.

Hindi nako masyadong nagulat ng sabihin nyang magpinsan sila, masyado kasing pre-occupied ang isip ko sa pag-iisip kung ano bang sadya dito ni Trixie at pumunta pa sya dito.

Kami na lang ang naiwan ni Trixie dito sa may sala, and sobrang nakakabingi yung katahimikan.

Hindi ko kasi alam kung ano ba yung pakay ng pagpunta nya dito. Gusto nanaman ba nya kong saktan?

"Eira..." bumuntong hininga sya bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita.

"Kung ano mang masasamang nagawa ko sa'yo this past few days, I'm sorry. Hindi ako ganoong tao  maniwala ka. Hindi ko kayang manakit ng isang tao na wala namang ginawang masama sakin. Sorry for everything, okay lang kung hindi mo 'ko mapapatawad ng basta basta sa ngayon." Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya.

Hindi ko alam sa ngayon kung dapat ko nga ba syang paniwalaan sa mga sinasabi nya. May parte sa puso ko na sinasabing nagsasabi sya ng totoo, pero may parte din sa puso ko na maaaring isa nanaman to sa mga palabas nya.

"Hindi pa ba enough na hindi na'ko maalala ni Kiro? Hindi mo na kailangang gumawa ng ganitong eksena Trixie." Sabi ko at napailing na lang.

"Stop pretending, hindi mo din kailangang gawin ang mga bagay na labag sa loob mo." Diretsong sabi ko.

"Eira please maniwala ka sakin, hindi ako yun. Hindi ako ang gumawa ng mga bagay na yun." Pagpipilit nya.

"Wow. Hindi ka lang pala pretender, liar pa." Natatawang sabi ko.

"Maniwala ka naman please." Hinawakan nya ang kamay ko kaya binawi ko yun.

"Please din umalis ka na lang habang okay pa ko. Habang kaya ko pang pigilin yung galit ko." Nagbabantang sabi ko.

"Sige. I'm sorry." Dahan dahan syang tumalikod at lumabas ng pintuan. Mga ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang pagbukas ng gate namin senyales na nakalabas na nga sya.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko right now. Seryoso ba talaga sya sa ginawa nya? Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko nasabi yung mga sinabi ko kanina. Siguro dala na din ng galit, dahil sa mga pinaggagawa nya noon.

Hirap akong tanggapin yung sorry nya dahil ang hirap magtiwala ulit sa mga taong nakagawa ng masama sayo.

Pero yung mukha nya pagkatapos nya sabihin yung huling sinabi nya bago sya umalis, kita kong mukhang sincere naman. Totoo nga kaya yun? Or magaling lang talaga syang umarte?

Natigil ako sa pags-space out ng marinig kong may nagdoorbell.

Lumabas ako para makita kung sino yun.

"Thea? Anong ginagawa mo dito? Pasok ka." Sabi ko pagkatapos ay pumasok sya sa loob ng bahay.

Napunta kami sa living room at pinaupo ko sya.

"Why are you here?" Takang tanong ko.

"May sasabihin ako sayo, you need to listen to me. And sana lang paniwalaan mo ang mga sasabihin ko." Tuloy-tuloy na sabi.

Bigla kong naalala na noon pa ay may gusto na syang sabihin kaso hindi nya natutuloy.

"About what?" tanong ko.

"Its about You and Aki, and Trixie." Mabagal na sabi nya.

Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi nya, what about the three of us?

Magsasalita na sana ako upang tumutol sa sasabihin nya ng biglang magsalita sya.

"Just listen to me first Eira, bago ka tumanggi na marinig ang mga sasabihin ko. Please?" Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Okay, fine. Go ahead makikinig ako." Sabi ko at pagkatapos ay umayos ng upo.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Where stories live. Discover now