Chapter 14

270 10 1
                                    

EIRA'S POV

Hapon na ngayon at papauwi na'ko. Buong araw ko din iniwasan si Aki dahil nga kasama n'ya yung babaeng yun.

Ayoko na ulit na makagawa kami ng scene dito sa School kaya mas pinili ko na umiwas na lang.

Naglakad na 'kong papuntang parking at sumakay sa car namin.

Wala kong kotse kaya yung driver namin ang naghahatid at nagsusundo sakin papuntang school and besides hindi din ako marunong magdrive.

Nagpahatid muna ko sa driver namin dito sa condo unit ko, dumiretso na agad ako sa rooftop dala ang mga gamit ko.

Kahit ilang weeks pa lang akong nags-stay dito ay feeling ko eh marami na 'kong memories sa rooftop na'to.

Para kasing napaka-familiar.

Habang nakatingin ako sa mga matataas na building sa palagid ay biglang nagflashback sa utak ko yung mga nangyari noong unang beses na pumunta ako dito sa may rooftop.

Yung time na unang beses kong nakita si Aki. Parang nagflashback sa isip ko noon lahat ng napapanaginipan ko pagkatapos kong magising sa pagkakacoma.

I'm still wondering kung totoo kaya ang lahat ng sinabi ni Thea, about sa nangyari sa'kin ng ma- comatose ako.

Totoo kaya na nagkakilala kami noon ni Aki?

Gusto ko man paniwalaan pero parang napaka-imposible ng mga bagay na yun.

"Eira?" napalingon ako sa narinig kong boses na nagsalita.

Nakitingin lang ako sa kanya habang papalapit s'ya sa direksyon ko.

"Are you avoiding me?" diretsong tanong nya.

Binalik ko yung tingin ko sa mga matataas na building sa paligid bago sya sinagot.

"I'm not avoiding you, Aki. Umiiwas lang ako sa babaeng kasama mo kanina dahil nab-bwisit ako sa kanya." sagot ko.

Totoo naman na nakakabwisit ang babaeng yun.

"Si Trixie? Mabait sya Eira believe me." sabi nya at parang proud pa.

So Trixie pala ang pangalan ng babaeng yun.

"How did you know Aki? Nakita mo ba kung paano nya ko binangga kaninang umaga? She's Pathetic." sagot ko.

"So, tama pala yung sinabi ni Trixie na sinisiraan mo daw s'ya. Ilang araw lang ako nawala Eira pero parang nagbago ka na. You used to call me 'Kiro' noon pero ngayon ano? 'Aki' na din yung tawag mo sakin. You really changed Eira."

What the hell? Ano ba yung sinabi ng babaeng yun sa kanya at ganun na lang s'ya makapagsalita.

Never akong naninira ng tao, atsaka bakit ko naman sisiraan ang babaeng yon kung totoo naman ang sinasabi ko tungkol sa kanya.

"Alam mo Akihiro Zamora, kung ang magiging buong topic lang naman ng pag-uusap natin ay yang Trixie na yan wag ka na lang makipag-usap sakin. Aalis na lang ako." Sagot ko pagkatapos ay naglakad na at nilampasan ko s'ya.

Hindi ko na kasi kaya pang tagalan na makipag-usap kung ang puro pagtatalunan lang naman namin ay yung Trixie na yon.

Aish. Sana pala hindi na lang ako nagpunta don sa may rooftop, lalo lang akong nabadtrip.

SOMEONE'S POV

Natutuwa ako sa mga nakikita ko ngayon, seeing them na nag-aaway ay napakasaya sa feeling ko.

Oras na para kunin ang dapat na ay akin.

And Aki is mine.

I'll make sure na mahihirapan ka Eira, Hindi mo gugustuhin na nabuhay ka pa dahil sa mga gagawin ko.

At walang pwedeng humadlang na kahit sino sa mga plano ko.

"I'll make your life miserable as hell Eira Nathalie Tan Ramirez." I uttered to myself while plasterring an evil grin.

***
Guyseuu! Sorry kung yung mga huling update eh may mga maling pangalan akong nabanggit sadyang nalilito lang ako. Don't worry i-eedit ko yun pag may time ako. Thanks for reading.

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon