Chapter 02

490 12 4
                                    

EIRA'S POV:

Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ay humarap ako kay Kiro para magpaalam.

"Uhm.. sige Kiro papasok nako."

Maglalakad na sana ako papasok ng room ng bigla n'yang hawakan yung wrist ko.

Kaya napaharap ako sa kanya.

"Gusto mo ba talaga kong iwan dito, at pagkaguluhan ng mga kababaihan?" Sabi nya.

Pansin ko nga kanina mula ng bumaba kami sa kotse nya ay maraming mga kababaihan ang nakasunod ang tingin habang naglalakad kaming dalawa.

Pero wait-- what did he said?

"Don't tell me blockmates tayo?" Di makapaniwalang tanong ko.

Nagsmirk lang siya pagkatapos ay hinila na'ko papasok ng classroom.

Pagpasok namin sa loob ng room ay ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante sa amin.

What the eych! Ayoko ng tinitignan ako ng ganyan.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

Bahagya naman sila nagulat sa tanong ko.

Grabe ang eepic ng mga reactions nila sa sinabi ko.

"Oh, ngayon lang din ba kayo nakarinig ng boses ng dyosa? Weird nyo guys!" Natatawang sabi ko.

"What the!"

"Who's that bitch?"

"Girlfriend ba sya ni Aki?"

"Nah. I think she's not, dahil si Trixie lang naman ang girlfriend na sineryoso ni Aki diba?"

Oh-kay! I didn't know na marami pa lang gossip mongers dito sa school nila Ethan.

Well, normal lang naman sa mga babae ang chismisan. Pero sana naman kung magchichismisan sila yung hindi maririnig ng pinag-uusapan nila.

Naupo na kami sa may bandang likuran ni Kiro, and nagsimula na rin magdiscuss ng mga rules and regulations yung prof.

Nang magdismiss na yung prof namin ay tumayo na'ko sa pagkakaupo at kukuhanin ko na sana yung bag ko ng saktong magring yung phone ko.

Nang kunin ko yung phone ko ay tumambad sakin yung pangalan ni Ethan sa caller ID.

"Hello?" Sagot ko.

Dati kapag nakakausap o nakikita ko si Ethan ay nakakaramdam ako ng pagkakilig. Pero ngayon, wala na.

Ewan ko ba, simula ng magising ako sa pagkakacoma ay parangnawala na rin yung pagkakagusto ko sa kanya.

Idagdag pa na nalaman ko na magkapatid pala kami.

("Where are you?") Tanong nya sa kabilang linya.

"Nasa room pa, bakit nasan ka ba?"

Simula ng sunduin nila ako noon sa Airport ay hindi ko pa ulit sila nakikita ni Chan.

("Nasa Cafeteria-- shit! Ano ba Chan!") Natawa na lang ako ng marinig ko ang iritadong boses ni Ethan sa kabilang linya.

Hindi na'ko nagtataka bakit naging magkaibigan ang dalawang yun, dahil hindi nalalayo ang ugali nila sa isat-isa.

"San yung Cafeteria dito?" Tanong ko kay Kiro na kanina pa pala nakatingin sakin habang may kausap ako sa phone.

"Why?" Nagtatakang tanong nya.

"Basta! May ipapakilala ako sayo." Excited na sabi ko.

Mabait naman si Kiro kaya sigurado ako na makakasundo nya din sila Ethan at Chan.

"Okay, then. Let's go." Saad nya.

Nang makarating kami sa may Cafeteria ng school ay nilibot ko ang mga mata ko para hanapin sila Ethan.

At nang makita ko sila ay hinila ko si Kiro papunta sa direksyon nila.

"Napaka chismoso mo Gelo, san mo naman narinig yan?" Rinig kong tanong ni Chan dun sa lalaking kausap nya.

Nakatalikod si Chan at Ethan sa direksyon namin ni Kiro kaya hindi ata nila napansin ang presensya namin.

"I told you bro! Hindi basta rumors yung narinig ko. Look." Sabi ng kausap ni Chan habang nakaturo yung index finger nya sa aming dalawa ni Kiro.

Napaharap naman si Ethan at Chan sa amin at bahagyang nagulat ng makita kaming dalawa.

___

Sorry for the slow update. Hello! This chapter is dedicated to you. Thanks for supporting my story!

MOTSB 2: Stuck On You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon