Bahala nga siya diyang mag ingay siya.

Nang makarating kami sa gate ng aming bahay ay rinig ko ang sunod-sunod na kanyang pag buntong hininga. Akala ko ba, di siya takot?

May balak pa sana siyang umalis nung nabuksan ko na ngunit nahila ko rin naman siya kaagad. May balak pang tumakbo ang gago ah.

“Hep hep. Mabilis lang to.” Sabi ko pa at hinila na siya papasok ng bahay.

Nang makapasok kami sa loob ay nakita ko si kuyang nakadekwatrong upo. Tutok siya sa panonood ng tv habang may kinakaing chichirya. “Oh? Ba't ngayon ka lang?” Tanong pa niya nang di man lang lumingon sa akin.

Hinarap ko naman si Ehan at sinenyasan na wag siyang maingay. Di ata napansin ni kuya na nandito si Ehan.

“Ah, w-wala. Akyat na ako.” Kabado ko pang sabi dahil baka magbiglang lingon ang kumag, ay malilintikan ako.

Nilingon ko ulit si Ehan at sumenyas nanaman na magdahandahan siya at wag siyang maingay. Dinala ko siya sa kwarto ko kung saan mas safe kay kuya.

Oh well, wag kayong mag-isip ng marumi ah.

Nang makarating na kami sa loob ay nagpakawala ako ng malakas na paghinga. Wew. Medyo, alanganin yun ah?

“Maupo ka muna. Kukunin ko lang ang first aid kit.” Sabi ko pa saka tinuro ang upuan sa may study table ko. Nakita ko naman siyang pumunta doon.

Naglakad na ako sa banyo kung saan ko nilagay ang first aid kit ko. Ba't ba. Mas prefer kong ilagay doon eh.

Nang makuha ko na ay nakita ko siyang naglibot libot sa kwarto ko. Napahinto siya sa isang gilid kung saan may isang notebook doon na may nakasulat na to do list with my bf na kung saan, yun yung kinuha niya nung bago ko palang siyang nakilala.

Agad kong binawi sa kanya iyon kaya naman ay bakas sa kanyang itsura ang pagkagulat. “Sorry, kita ko lang.” Aniya.

“Okay.” Usal ko pa.

Ba't ganun? Parang ang lakas ng presenya niya. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Bumibilis ang tibok ng puso ko at tila ba may kakaiba sa tyan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Umupo siya sa may kama ko kaya tinabihan ko siya para gamutin.

Tahimik kaming pareho. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng hininga naming dalawa.

“A-aray.” Aniya nang nilapatan ko ng cotton na may alcohol ang sugat niya. Yun lang naman ang ilalagay ko, ang oa pa nito.

“Sorry.” Mahinang sabi ko pa. Ba't ganto? May kakaiba sa pakiramdam?

Nalaglag ang ilang mga hibla ng buhok ko tungo sa mukha ko dahilan para ilagay ni Ehan ito sa likod ng tenga ko.

Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa kilig.

Ang kaharap ko ay di yung masungit na Ehan. Nakaka gaan ng pakiramdam kahit panandalian lang.

“Ehan, Can you just remember me and let's have a happy life?” Wala sa sariling salita ko habang nakatingin sa mga sugat niya.

Nabigla siya sa sinabi ko at ganun rin ako sa sarili ko. Nakakabigla.

“What are you talking about?” Aniya na kunot pa ang noo.

Napailing na lamang ako at ngumiti ng malungkot. “Nothing.” Sabi ko pa.

Habang ginagamot ko siya ay biglang nanggigilid ang luha ko sa di ko malamang dahilan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ba't di ko mapigilan ang emosyon ko?

Niyakap ko siya bigla saka pumikit ng mariin. “I miss you. I really miss you.” Saad ko pa sa gitna ng paghikbi.

Ramdam ko ang kanyang pagkabigla pero wala ako pakealam doon. Gusto ko lang sundin muna kung ano ang sinasabi ng puso ko. Ba't ba kasi ako naghahabol sa taong di ko kilala?

Ilang minuto kaming nakaganun hanggang sa kusa na akong bumitaw. Tumayo ako at kinuha ko yung notebook saka pinakita ko sa kanya.

“Ito. Di mo ba naaalala to? Kinuha mo to nung unang meet natin. Binasa mo at ginawa mo pa. Then, tignan mo ang kwarto ko. Palagi kang nandito dati, di mo ba talaga ito naaalala?” Nawawala na ako sa sarili ko.

Kumunot naman ang noo niya. “Itong higaan ko? Lagi kang nakaupo riyan at dahil napakafeelers mo, mas madalas ka pang humiga jan.” Sabay tap ko sa higaan. Hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko na tila ba ay pinipigilan niya ako sa susunod ko pang gagawin.

“Ehan? Di mo ba talaga ako naaalala? Please remember me.” Nanghihina na ako. Napayuko ako habang sinasabi iyo. Ba't di nalang kasi niya ako maalala para wala na akong isiping problema. Hays.

“Can't you just stop?” Aniya sa blankong emosyon. Ilang sandali ko muna siya tinignan.

Yung mga mata niyang mapungay, yung ilong niyang matangos, yung labi niyang manipis. Miss na miss ko talaga siya.

“I'm sorry, I can't.” Di ko kayang huminto kahit ipagtabuyan mo ako. Alam kong darating yung araw na maaalala mo rin ako.

“Why can't you? Di naman kita maalala. Ilang beses na rin kitang tinaboy, ba't ayaw mo pa rin huminto? Jell, maraming iba. Wag na ako.” Sabi pa niya. Ngunit umiling lang ako.

“Ayaw ko nang iba.” Paulit-ulit akong umiiling habang patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Ewan ko ba, napaka iyakin ko naman.

“Bakit ako?” Nanghihina niyang tanong.

“Because I loved you, I love you and I will love you. I want to be with you.

And I'll make sure that you'll remember me, no matter what it takes.”

A/N: Thank you for reading pa rin kahit parang ewan ang kwento ko. HAHAHHAHA

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon