“Aray!” Daing niya nung batukan ko siya. Yung typical niyang aray dati tuwing binubugbog ko siya. I miss that.

“Namiss kita.” Wala sa sarili kong sabi kaya napatakip ako sa bibig. Ano ba Jell! Di ka niya naaalala.

“Crazy woman.” Aniya at tumalikod.

“Since you have forgotten me, I'll make you remember everything we had.” Sandali siyang napatigil sa pag lalakad. Bahagya niya akong nilingon. “There's no need to do that. I'm not interested.” Aniya sa malamig na boses. Medyo ouch yun ah.

“Heart never forgets.” Sabi ko pa. Umiiling iling ito na tila ba 'I'm unbelievable'saka tuluyan na nga akong iniwan.

Napatingin ako sa relo. Ay punyeta. Limang minuto na akong late! Kaya pala ay wala ng estudyante na makikita mong pagala gala. Di pa naman maganda ang parusa rito kapag nalate.

Tumakbo ako patungong classroom ko. Medyo may kalayuan ito pero keri lang. Sanay naman ako sa takbuhan kahit pa sa dati kong paaralan. Hays, miss ko na doon.

Walang Jezreel na loka-loka rito eh.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ay kumatok ako. Aircon ang kada classroom at ang pintuan ay may glass sa gitna. Di maririnig ang ingay sa labas kaya kelangan mong sumilip sa glass para makita mo kung anong ganap sa loob.

Di ako pinagbuksan ng pinto. Sumilip ako sa loob at walang teacher. Mabuti naman. Dalawa ang pinto, isa sa may bandang harap at isa sa likod. Tumungo ako sa likod at doon piniling dumaan dahil sa bandang likuran naman ako nakaupo.

Pinihit ko ang door knob at bumungad sa akin ang nakadekwatrong maestro. Bwiset.

“Oh Ms. Amando? You're too early for the next class.” Sarkastiko niyang sabi. Taeng yan. Ba't di ko siya nakita? Ba't kasi nasa likuran siya?

Tumahimik ang buong klase kaya napayuko ako dahil ramdam kong nasa akin ang atensyon nila. “Sorry sir.” Nakayuko ko pang sabi. Nakakatakot naman tong gurong to.

“You may go.” Aniya.

Isinirado ko ang pinto at nagtungo sa office of the prefect kung saan doon inaasikaso ang mga absences and lates.  Nasa kabilang building ito kung saan nakalaan lamang ang building na yun para sa mga offices and faculties.

“Letse.” Mura ko pa.

Binilisan ko ang lakad ko para makarating ako agad sa patutunguhan ko. Nang nasa tapat na ako ng opisina ay hinarang ako ng gwardiya. “Anong kailangan mo ga?” Tanong pa niya.

“Kukuha lang ho sana ako ng late slip para sa next sub.” Sabi ko pa.  Kapag kasi nalate ka, kukuha ka ng slip na magsisilbing ticket mo para sa susunod na subject.

“Ah. Tayo ka muna doon ga, 1 hour kang tatayo bago ka makakakuha.” Aniya. Napasapo ako sa noo ko. Bwiset namang rules yan. “Talaga guard?” Di makapaniwalang tanong ko. Edi mas lalo ako malelate niyan sa second subject? Or worst, sa third sub na ako makakapasok.

Nang makarating ako roon ay dumiretso ako sa likurang bahagi ng silid. Walang upuan at malaking espasyo lang ang meron. May mga estudyante rin doon na dala-dala pa ang kanilang gamit.

Tahimik akong tumayo sa likurang bahagi at pinagmamasdan ang mga estudyanteng maiingay. Sila lang ata yung gustong-gusto na malate dahil karamihan sa kanila ay nagchichismis lang.

Habang inililibot ko ang tingin sa paligid ay may napansin akong pamilyar na pigura. Nakatalikod ito kaya di ko kaagad nakita ang mukha. Lumapit ako at marahang tinapik ang kanyang likuran.

Nagningning ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. “Ehan!” Masaya ko pang sabi. Gumuhit naman sa kanya ang iritableng mukha. “You again?!” Aniya. Medyo napalakas ang sigaw namin kaya halos lahat ng tao ay napatingin.

Samu't saring chismisan ang narinig ko. Na kesyo sino raw ba ako at kilala ko si Ehan. Na bumalik na raw si Ehan.

“Could you please stop calling me Ehan?! We're not even close.” Singhal niya sa akin. Iritableng-iritable ang kanyang mukha kaya napangiti ako.

Dati siya ang malakas mang asar eh tapos halos di ko siya kayang iritahin dahil ako ang nauunang mairita sa kanya. “Why are you smiling?” Tanong pa niya habang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong napaiwas ng tingin.

Di ako komportable nang mga sandaling iyon. Parang nasasaktan ako sa mga tingin niya.

“Wala ka ba talagang naaalala?” Mahinahon ko pang sabi. Bahagyang kumunot ang noo nito at tumingin sa kawalan na tila ba may iniisip.

“Wala akong maalala na close tayo. I don't even know you. Kapatid ka ni Jhalle and yun lang ang alam ko.” Aniya. Ouch naman.

Bakit di niya ako naaalala ha?! Bakit?

“Bakit...” Wala sa sariling utas ko. Parang gusto kong umiyak? Pwede ba? Di naman masakit eh. Ba't ako nagkakaganito? “Ikaw ba talaga si Ehan na kilala ko?” Tanong ko pa sa sarili habang nakatingin sa sahig. Di ako naghihintay ng sagot niya.

Hindi kaya di talaga to si Ehan? Or kamukha lang niya? Sabi nila, may kamukha raw talaga tayo e tapos rare lang na makita natin ang kamukha natin.

“2 years ago. May nangyari ba sayo?” Tanong ko pa. Naalala ko kasi na sabi ni Ehan dalawang taon na raw siyang pagala gala. Parang may mga puzzles na pilit binubuo ng isip ko para mapatunayan lang na siya si Ehan na kilala ko.

Nararamdaman ko eh. Ramdam ng puso ko na ito yung taong mahal ko. Yung multong nakilala ko.

“Sino ka ba? Bakit mo inaalam? Ano bang pake mo?” Malamig niyang sabi. May halong inis at pagkairita ang kanyang tono. Medyo nasaktan ako nang kaonte pero binalewala ko yun.

“Please... Just answer.” Pakiusap ko pa sa kanya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Di niya ito binawi at hinayaan niya lang akong gawin yun.

“Car Accident.” Matipid niya pang sabi. “...and after that, I've been asleep for 2 years.” Dugtong pa niya.

Agad nag ningning ang mata ko at wala sa sariling hinila siya para yakapin.

Sobrang saya ko. Sigurado akong si Ehan to.

“Now. Leave me alone. That's an exchange for answering your question. Don't bother me, ever again.”

A/N: So, Ewan ko na sa kwento ko.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon