Chapter 15: Baby Phyro

247 51 12
                                    

Baby Phyro

Liah's POV

Isang kisapmata lang, ay nakarating ako sa pasukan ng Enchanted Forest. Mula dito ay  natatanaw ko na silang lahat, pati ang aming guro na naghihintay na sakin.

"Halika— Phyro? Phyro..yuhooo! Anak ng!" hinanap ko si Phyro ngunit hindi ko na ito makita. Bwisit yun, iniwan nalang ako basta. Nakapagdesisyon akong maglakad na patungo sa mga kasamahan ko. Paparusahan ko nalang yung masungit na guardian na 'yon pag nakita ko siya ulit.

"Liah! Ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay sayo," wika ni Denise, halata sa mga kaibigan ko ang pag-aalala. Lahat sila ay nakatingin sakin, yung iba naman ang sama kung makatingin. Hindi pa ba sila sanay maghintay? Kaya hindi umaasenso eh, walang tiyaga.

"Sorry, di kasi kaagad nagpakita yung masungit kong guardian,"  tugon ko at napayuko sa hiya. Hinawakan naman ako ni Prof Larry sa balikat ko.

"It's okay Liah, kahit ikaw ang laging nahuhuli sa klaseng 'to at yung medyo slow ang usad, I'm glad dahil nagtatagumpay ka parin sa lahat ng mga ginagawa mo," kahit medyo hard ang linyahan niya sa una, ngumiti nalang ako at saka nagpasalamat. Kaya naman bumalik na kami sa academy, para makapagpahinga.

"Guys! Ano yung guardian niyo?" Tanong ni Beatrix samin, habang naglalakad. Pansin ko na tahimik lang ang mga boys ngayon, maliban kay Nathaniel na nakikipagharutan nanaman sa mga babae.

"Secret muna!"-Harlene

"Yah! Sa training natin ko na ipapakita."-Crince

"Tama sila," pagsang-ayon naman ni Denise. Ako, tahimik lang na nakikinig sakanila.

"A'right! Sabi niyo eh" sagot naman ni Beatrix. Napansin kong papalapit sa direksyon namin si Hidalia. I think ipagmamayabang niya lang yung guardian niya. Humarang siya sa daan namin kaya, napatigil kami sa paglalakad.

"Hi girls, ano yung guardian niyo?" maarteng tanong nito. Kala mo naman ang ganda niya. Sabi ko na nga ba ipagyayabang niya lang ang guardian niya eh.

"Wala kana dun," ani Harlene. Halata namang inis na inis 'tong si Harlene kay Hidalia, kaya lagi niya itong inaaway pag umeepal siya.

"Dun ka nga sa mga alipores mo Hidalia!" wala namang binatbat itong si Hidalia kay Beatrix eh. Takot nalang niya. Pero nagulat ako ng biglang magtaas ng kilay si Hidalia. Woah! Nagmamaldita narin.

"Sino ka para utus-utusan ako? For your information ako na ang pinakamalakas ngayon. Dahil alam ko na ngayon ang tunay na pagkatao ko," lahat kami ay nagulat maging ang mga chismosang nanonood sa'min.

"Pinagsasabi mo Hidalia?!" Inis na tanong ni Crince sakanya. Kahit ako nacurious kung pa'nong naging siya ang pinakamalakas sa lahat.

"Pwede bang diretsuhin mo na kami? Baka 'di ako makapagtimpi at pasakan ko ng yelo yang bibig mo," ani Beatrix. Bigla namang humalakhak si Hidalia at saka ngumisi.

"Yun ay kung kaya mo. MLevel ang guardian ko, meaning to say, I'm the lost elemental princess of Enchant and Charm Kingdom. Hindi ko palang nagagamit ang mga elemental magics ko," mayabang na saad nito. Nag-iisa lang ang MLevelGuardian. At siya'y nasa akin na. Sinungaling.

"Pft! HAHAHAAHAHAHAH!" I bursted out laughing, dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya. "Hahaha, ang galing mong gumawa ng kwento," sabi ko habang hawak ko pa yung tyan ko.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now