Chapter 24: Visitors

196 17 6
                                    

Dedicated to


Visitors

Denise's POV

Abala ang lahat dahil sa biglaang pagbisita ng Hari at Reyna ng Charm Kingdom sa Enchant at maging dito sa Academy. Labingpitong taon na noong nawala si Prinsesa Leona at ang kanyang anak na prinsesa. Ganoon din katagal simula ng huling bumisita ang hari at reyna ng charm.

Masayang pagsalubong ang isasagawa sa kanilang pagdating. Sayang lang at hindi ito makikita ni Liah. Pinagpapahinga pa siya ngayon ng mistress. Nawala nanaman sa control si Liah dahil sa ginawang ilusyon ng isang babaeng taga- darkous.

-
Flashback...

Kasalukuyan kaming naghihintay sa labas ng kwarto ni Liah. Alam kong kailangan pa niya ng pahinga. Pero gusto lang talaga namin siyang makausap. Sobrang namiss namin siyang lahat.

"Pinatay niyo siya. Magbabayad kayo. Magbabayad kayo! AHHHHHHHHHHHH!!"


*booogsh*

*booogsh*

*Ahhhhhhh!*

Shit! Si Liah. Anong nangyayari? Walang nagsalita sa'min at dumiretso kaming lahat sa loob ng kwarto ni Liah. Kakagising lang niya, may masama nanamang nangyari sakanya. Kaya pala masama ang pakiramdam ko sa Nurse na 'yon. There is something with her.

"Liah!" Sabay sabay naming tawag sa pangalan niya. Nakita namin siyang nakaluhod habang umiiyak, habang nasa harapan niya ang walang buhay na katawan ng nurse na pumasok dito kanina.

Anong nangyari?

Humagulgol si Liah na agad namang dinaluhan ni Airo. Ano ba ang nangyari? Bakit bigla nalang naging ganito ka emosyonal si Liah.

"Patulugin mo siya." Malamig na sabi ni Airo kay Crince. Agad namang lumapit si Crince kay Liah para patulugin ito.

Teka.. bakit nandito si Airo? Hindi ba't kanina pa siya umalis. Tahimik nalang akong napangiti. There is also something with him. Indenial lang talaga 'tong lalaking 'to.

"She was decieved. Kilala ko ang darkousian na 'to. Isa siyang dark deciever." Wika ni Azrael. Ginamit ng babaeng 'to ang kahinaan ng kaibigan ko. Naalala ko pa noong unang beses ko siyang makita na wala sa sarili niya. She can't control her powers, hindi namin alam kung paano't naging ganun siya kalakas.

Siya kaya ang nawawalang anak ni prinsesa Leona? Siya kaya ang Elemental Princess? O dahil lang 'to sa stentorian necklace na pinangangalagaan niya.

--end.

Hanggang ngayon palaisipan parin sa'min kung paano nakapasok ang babaeng 'yon dito sa academy. Posibleng may traydor dito sa loob.
Sigurado ako na gumagawa na ng aksyon si Airo at ang mistress para malaman kung sino ang traydor dito sa Enchant. Hangga't may traydor hindi magiging ligtas ang Academy.

"Denise!" Tawag sakin ni Blue na hingal na hingal na papalapit sakin. Ba't ba kasi siya tumatakbo? Masyado bang urgent kaya nagmamadali siyang makapunta sakin?

Hawak niya ang magkabilang braso ko ngayon. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kamay niyang nakahawak sakin bago tumingin muli sakanya.

"Ahh..hehe sorry." Natatawa lang akong tumango sakanya at hinintay ang kung ano mang kailangan niyang sabihin. "Pi-pinapatawag kasi tayo ng mistress," sabi niya saka nagkamot ng ulo. Yun lang naman pala.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt