Chapter 25: First Date

166 16 13
                                    

First Date

[Liah]

PAG-GISING ko puting kisame ang bumungad sakin. Nasa hospital nanaman ako. Lagi nalang akong nandito. Pinilit kong bumangon at inalala ang nangyari bago ako makatulog. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng maalala ko si Nanay Cely. I sighed and shook my head. I have to accept that she's already gone and move on. Hindi ko na hahayaang gamitin siya sakin para maging mahina ako. I will fight for her and for the kingdom.

Hindi pa pala nila alam kung sino talaga ako. I need to see Azrael, my cousin. I bet he knows everything about me, pero hinayaan nila akong matuklasan ko 'yon ng mag-isa.

"Gising ka na pala," Airo said, as he walked towards my bed. Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to. Bigla bigla nalang nasulpot ng hindi ko namalayan. Blangko lang ang expression niya habang diretsong nakatingin sakin. Naging komportable bigla ang pakiramdam ko dahil sa presensya niya. Ewan ko ba.

"O—oo. Salamat sa pagbisita," sabi ko at saka siya nginitian. Tahimik lang siyang tumititig sakin. Nakaka-concious tuloy. "B-bakit?" Biglang lumaki yung bilugan niyang mata at saka siya umiwas ng tingin.

I heard him cough at alam kong fake 'yon. "Do you want to eat something?" Tanong niya nang hindi man lang tumitingin sakin.

"Tubig nalang," I murmured. Lumapit siya sa mesa na malapit lang sa higaan ko at nagsalin ng tubig sa glass at iniabot 'yon sakin. "S—salamat."

Pagtapos kong inumin yung tubig, napasulyap ako sa bintana. Madilim na. Ano kayang nangyayari sa labas?

"Do you want to go outside?" He asked.

"Pwede ba?" He nodded and held my hand. Ay! ano ba 'yon? Para akong nakuryente. Pakiramdam ko bigla nalang nagwala ang mga nilalang sa tiyan ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko. I shrugged at binalewala nalang 'yon.

Sa isang iglap lang ay nasa labas na kami. In front of this fountain located at the center of the Academy.

"Papunta ang lahat ngayon sa Enchant Kingdom. I'm here to bring you there," nagtatakang napatingin naman ako sakanya.

"Anong—" Shit! Ang gwapo niya. Kahit madilim na yung paligid, malinaw parin sakin ang bawat detalye ng mukha niya. Wala naman sigurong masama kung iappreciate ko muna ang kgwapuhan niya. Shit!

"Stop staring," aniya. Huli na ng marealize ko na matagal na akong nakatitig sakanya. Uminit naman ang mukha ko sa pagkapahiya.

"S—sorry Airo. I just—just want to appreciate the view." Nahihiyang sambit ko. Siya naman ngayon yung nag-iwas ng tingin. Dun lang nagsink-in sa utak ko kung ano yung sinabi ko.

I just—just want to appreciate the view.

Walanghiya! Ano ba naman 'tong mga pinagsasabi ko. Nagulat ako ng biglang tumingin sakin si Airo. Nahihiya naman akong tumugon sa tingin niya and I mouthed 'sorry'. Umangat ang sulok ng kanyang labi. Totoo ba 'yun?

"Did you—did you just smile?!" Takhang tanong ko. Bihira ko kasing makita ngumiti si Airo. Madalas ay seryoso at nakapoker face lang siya. Sumeryoso naman ulit siya.

"Ba't parang gulat na gulat ka?"

"W-wala, once in a blue moon lang kasi kita makitang ngumiti." Alanganing sagot ko.

"Tuwing kelan ba ang blue moon?" Tanong niyang muli.

"A—ano.. tuwing kelan nga ba?" I murmured. Marahan kong sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Habang nag-iisip.

"Liah/Airo. Sige mauna kana." Sabay na sabi namin ni Airo, kaya natawa kaming dalawa.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya. Nakangiting umiling ako.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu