Chapter 11: Stentorian Necklace

282 65 11
                                    

Stentorian Necklace


Nathaniel's POV

"Roeien de duisternis"

Pumikit ako, at hinintay ng dumampi sa amin ang napakalaking sphere na 'yon. Marahil ito na nga talaga ang oras na mawawala ang pinakagwapong nilalang sa Magical World. Ngunit napadilat akong muli, dahil sa liwanag na pilit na binubuksan ang aking mga mata.

Si Liah, binabalutan siya ng liwanag. Hinihigop ng liwanag na iyon ang dark sphere na ginawa ni Argus at Brandon. Napaatras kaming apat dahil sa hindi kapani-paniwalang nangyayare ngayon. Mula sa pwesto namin, kitang kita namin ang pag-angat ng kwintas na suot ni Liah.

"Ang Stentorian Necklace." Sabay sabay na sambit namin. Kahit na nanghihina nakami ay pinilit parin naming itayo ang aming sarili. Ramdam din ang malakas ng pagyanig ng buong Enchant Tower. Natunghayan namin ang pagkawala ng dark sphere at kung paano ito hinigop o pinuksa ng liwanag na tiyak naming galing sa stentorian necklace.

"Paanong-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw ni Denise at Beatrix. Bumagsak si Liah sa sahig at nawalan ng malay.

"LIAH!!"

Tinignan namin kung ano ang kalagayan niya. Shit! Sana walang masamang mangyari sakanya. Hindi ko sila mapapatawad. Magbabayad sila. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Argus at Brandon. Halata sakanilang mga mukha ang gulat. Marahil ay hindi sila makapaniwala na nakaligtas kami. Takot at pangamba ang mababakas sa mga mukha nila ngayon.

"Ano mga ungas kayo?! Are you scared? Hindi ba kayo makapaniwala na nakaligtas kami? Nasisiguro kong mahina na kayo ngayon mga hinayupak kayo! Are you ready to face your death? Kasi ako, hindi nako makapaghintay na makita kayong naliligo ng sarili niyong dugo, katulad ng sinapit ni Margotte. Lalo pa't napahamak si Liah ng dahil sa inyo."

Sigaw ko sakanila. Masyado na nilang nagamit ang mga kapangyarihan nila, kaya sigurado akong hindi na sila makakalaban pa sa amin ngayon.

"Kamangha-mangha ang pinakita ng binibining 'yan. Tiyak kong matutuwa si King Ace sa ibabalita namin BWAHAHAHA!" Biglang sambit ni Argus at saka sila tumawang dalawa.

"BWAHAHAHA.HA.HA.HA!! Mga tanga! At sa tingin niyo ba ay hahayaan naming makapagbalita pa kayo sa inyong hari at makaligtas pa kayo sa'min? Ano kayo..sinuswerte?" Tanong ni Beatrix sakanila. Kababakasan ng takot ang kanilang mukha ngayon dahil sa narinig. Alam naming lahat na mas mahina na sila sa amin ngayon.

"Tama na ang satsat, mabuti pang tapusin na natin sila ngayon." naalarma naman sila sa sinabi ni Denise.

"Girls, kami na ang bahala sa dalawang 'to. Bantayan niyo nalang si Liah." Ani Blue. Hindi parin kasi nagigising si Liah hanggang ngayon. Ang alam ko lang ay magbabayad ang mga panget na 'to sa ginawa nila.

Hindi pa man kami nakapaghahanda ni Blue ay inatake na nila kami. Psh! Mga duwag. Weapons nalang ang magagamit nila ngayon sa amin, dahil hindi pa sapat ang kanilang pahinga para makagamit ulit ng dark magic.

Sunud-sunod na pag-atake ang ginawa ni Brandon sa'kin gamit ang weapon niya, which is daggers. Tingnan mo nga naman, parehas pa kami ng weapons. Iniwasan ko muna ang mga atake niya bago ko siya inatake. Nang pansamantala siyang mapahinto, sinamantala ko na din ang pagkakataon.

"Earth Blasts"

Nilakasan ko ang pwersa bago ko nirelease ang magic. Napaatras naman ito at tumama sa pader. Nagsummon akong muli ng daggers, this time I empowered my weapon with earth.

"Earth Infusion."

Mahinang sambit ko atsaka inasinta ang dibdib ni Brandon kung saan naroroon ang kanyang puso.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora