Chapter 20: Fire Guardian

251 32 19
                                    

Fire Guardian

Liah's POV

NAALIMPUNGATAN ako ng maramdaman ko sa aking balat ang napakalamig na hangin.  Tahimik at tanging huni ng mga ibon lamang ang maririnig.  Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng walang kung anong sakit na nararamdaman.

"Anong nangyari?  Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili.  Tila ako'y nasa isang paraiso. Kayganda nitong pagmasdan,  ngunit paano ako nakarating dito?

"Ito na ang panahon para pag -aralan mo ang iyong taglay na kapangyarihan.  Ang apat na elemento."

Hinanap ko ang kinaroroonan ng tinig na iyon,  ngunit hindi ko siya makita.

"Sino ka?  Magpakita ka sakin. A-anong apat na elemento ang sinasabi mo? Wala akong gano'ng kapangyarihan," sigaw ko ngunit wala parin ni anino ang nagpapakita sa akin. 

Tumayo ako at doon ko lamang napansin ang kulay indigo kong kasuotan. Teka—

"Hoy!  Ikaw ba nagpalit ng damit ko ha?!  Bastos ka ah?  Lumabas ka dyan at magtuos tayo! " sigaw ko,  nang may isang bolang apoy ang biglang paparating sa direksyon ko.  Hindi ko ito naiwasan kaya napaso ako sa kanang braso.  Nasunog tuloy yung ibang parte ng damit ko.

"Shit! Airo ikaw ba yan?! "
Tanong kong muli nang bigla nanaman akong atakihin nito ng isa pang bolang apoy mula sa aking likuran. Muli ay hindi ko nanaman ito naiwasan. 

"Hoy magpakita ka!  Hindi ka patas lumaban! "

"Huwag ka kasi puro dakdak.  Gamitin mo ang iyong utak , pati narin ang pandama maging alerto ka't lumaban gamit ang apoy. "

"Hah? Pero p..paano ko naman gagawin 'yon?" Tanong kong muli.  Ngunit sa halip na sagutin ang aking tanong ay inatake ako nitong muli ng sunud sunod na mga bolang apoy. 

Sinummon ko ang stentorian sword at sinangga nito ang ilang bolang apoy kaya naman naiiwasan ko na ang mga ito.  Unti-unti ay nagagawa ko ng patayin ang lahat ng apoy na ibinabato niya sakin.

Marahan akong napapikit at pinakiramdaman ko ang aking mga palad na tila nag-iinit.

Muli niya akong inatake ng mga nagbabagang palaso, kaya naman tumambling ako pakanan at patuloy na iniwasan ang mga palaso. Naramdaman ko ang mainit at malakas na pwersa na nanggagaling sa mga kamay ko, kaya naman pinakawalan ko ito sabay na inikutan ang lahat ng direksyon.

*booggsshh*

"Arrghh.."

Kasabay ng isang pagsabog ay hindi nakaligtas sa aking pandinig ang daing ng isang lalaking kanina pa ako pinahihirapan. Sumulyap ako sa kinaroroonan nito sabay na napangisi.

"Nandyan ka pala, sorry ha?" sarkastiko kong sambit. Naalala kong muli ang pagpapahirap na ginawa sakin ng estrangherong ito. "Sino ka? Bakit mo ako inatake nalang bigla?"

"Ako si Drago."

Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya at doon ko lamang napansin ang nagliliwanag na marka ng apoy sa braso niya.

"A-ang marka ng apoy sa braso mo," untag ko sa lalaking nasa harapan ko. Marahan naman siyang tumingin ng diretso sakin.

"Ikaw lang ang tanging nakakakita sa markang iyan at sa iba pang marka na nasa Elevel at Mlevel guardian," seryoso niyang tugon sa tanong ko.

"Hindi ko maintindihan. Bakit... bakit ako lang ang nakakakita ng mga marka sa braso niyo?" tanong kong muli.

"Yun ay dahil ikaw ay isang..."

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now