Chapter 33: Invitation

59 3 3
                                    


Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na okasyong magaganap sa Charm Palace. Isang engrandeng okasyon na ngayon lang gaganapin para sa isang babaeng nagngangalang Azille. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon na lamang kung tratuhin siya ng lahat ng naroroon. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya o hindi dahil sa tingin niya ay hindi ito nararapat para sa isang kagaya niya.

Samantalang ang Enchant naman ay nanlulumo pa rin sa pagkawala ng isa pang prinsesa ng kaharian. Hanggang sa makatanggap sila ng imbitasyon mula sa  Charm Kingdom.

"Anton. Bakit nandito ka?" Ani Headmistress Corrins.

"Corrins, ako ang naghatid ng imbitasyon mula sa Charm, about the incoming celebration." Sagot naman ng Head Master na si Anton.

"Alam na ba niya?" Sa tanong na 'yon ni Corrins ay umiling si Anton.

"Pero natitiyak ko na malapit na."

****

Denise

Naglalakad ako sa hallway ng makita sina Head Master Anton at Corrins na nag-uusap. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila about sa celebration ng Charm. Para saan naman kaya yun? Kakawala pa lang ni Liah nagce-celebrate na agad sila?

Nakita kong umalis na si Headmaster Anton at laking gulat ko nalang na nasa tabi ko na si Ms. Corrins.

"Eavesdropping huh?" Nahuli pa.

"Sorry headmistress, hindi ko naman po sinasadyang marinig ang usapan niyo," paliwanag ko. Akala ko magagalit s'ya, buti nalang hindi.

"Sumama ka sakin, Denise." What? Why? Mapaparusahan ba ako? Oh no. Isang kumpas lang niya ng kamay n'ya ay nakapag teleport kami papunta sa office niya.

"A-ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Tell the royalties na iniimbitahan tayo sa Charm Kingdom," utos niya. Gusto ko sanang itanong kung para saan ang celebration na gaganapin sa Charm. Pero nagdadalawang isip ako, malalaman din naman namin, kaya di nalang siguro.  "Make sure na sasama si Airo. Dahil alam kong abala siya sa paghahanap kay Liah. And by the way, it is masquerade party."

"Yes headmistress, makakarating 'to sakanila." Tumango naman siya bilang sagot. Mukhang wala na kaming ibang paguusapan kaya naman nagpaalam na ako sakanya.

Nagpunta na agad ako sa headquarter namin, kamakailan lang ng maipagawa ito.  Napagusapan namin na magkita doon ngayon dahil may mahalagang sasabihin daw si Airo. Late na nga ako sa oras na pinagusapan namin. Ako nalang pala ang hinihintay nila.

"What took you so long?" Tanong ni Beatrix.

"Kinausap kasi ako ng headmistress," simpleng sagot ko.

"So, Airo. Para saan ba 'to? Anong sasabihin mo?" Tanong ni Azrael.

"I heard na nagpadala ng imbitasyon ang Charm para sa isang event. Mukhang konektado 'to sa kung ano mang tinatago ng mga nasa palasyo at ng headmistress. At mukhang wala silang balak na ipaalam satin 'to." Natawa naman si Azrael sa sinabi ni Airo. Napakaseryoso kasi ni Airo. Siguro alam din ni Azrael na kasama kami sa mga iniimbitahan. Sinamaan naman ng tingin ni Airo si Az.

"Airo, kasi yun ang napagusapan namin ng headmistress kanina. Invited din tayo do'n and It's a masquerade party." Paliwanag ko sa naging reaksyon ni Az sa sinabi niya.

"Ayun naman pala eh! Masyado kang praning dyan, Airo." Pang-aasar ni Blue kay Airo.

Mukha namang dismayado si Airo. Umaasa parin talaga s'yang buhay si Liah.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now