Chapter 14: Guardians

268 57 17
                                    

Guardians


Liah's POV

Pagbalik namin ni Nathaniel sa classroom ay sinalubong agad kami ni Crince at Harlene. Hindi ko pa kasi sila nakakausap simula nung nakabalik kami galing sa mission. Sa dorm ni Denise muna ako nakitulog, just for one night.

"Liah, omyghad! I miss you! Wala bang masakit sayo? Ipapagamot natin kay Crince 'yan," ani Harlene na nagooveract nanaman. Nahampas tuloy siya ni Crince.

"Tumigil ka nga dyan," Sabi nito habang natatawa narin sa kaibigan.

"Ang sakit ah?!" reklamo ni Harlene, kaya lalo pa kaming natawa. Nakitawa nalang din si Harlene kahit na medyo naiinis siya sa paghampas ni Crince sa braso niya. Nakakatuwa silang pagmasdan, kahit siguro sino maiinggit sa pagkakaibigan nila. Palagi man silang nag-aaway, atleast walang halong pagpapanggap ang pagkakaibigan nila.

"Pero seryoso. Namiss ka talaga namin Liah, kahit tatlong araw lang yun," nangingiting wika ni Crince sa akin.

"Trueeee!" Nagyakapan naman kaming tatlo. Napakaswerte ko talaga dahil sa dalawang 'to. Pati narin sa mga royalties syempre.

Naalala ko si Nathaniel bigla, wala na kasi siya dito. Sumulyap ako sa classroom, at ayun nakikipaglampungan nanaman siya sa mga babae. Taksil talaga!

"Girls, pumasok na kayo. Our class is about to start," untag samin ni Prof Larry. Nagulat naman kami sa biglaang presensya niya. Buti nalang ay hindi kami pinagalitan, kaya sumunod nalang din kami sakanya.

Habang naglalakad kami papunta sa pwesto naming tatlo. Nahagip kaagad ng mata ko ang kinaroroonan ni Airo. Nakatingin din siya sakin, kahit gusto ko siyang irapan ay hindi ko ginawa. Baka kasi isipin niya affected ako masyado, dahil sa hindi natuloy yung ano.. basta!

Hindi lang ako nagpakita ng kahit anong emosyon sakanya at iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya. Ngunit ramdam ko na may masamang nakatingin sa akin, pero hindi ko nalang din pinansin. Kasi kung si Airo yun, bakit naman siya magagalit sakin? Hindi naman affected yun, baka nga tuwang tuwa pa yun ngayon sa ginawa niyang pagpapahiya sakin eh . Malamang ay si Hidalia lang na lagi namang mainit ang dugo sakin. Bruha talaga.

Nagsiayos naman kaming lahat nang tumikhim si Prof Larry sa harapan, hudyat na kailangan na naming manahimik dahil maguumpisa na ang kanyang klase. Itinuon ko na ang atensyon ko sakanya, kesa isipin pa yung nangyare kanina dahil naiirita lang talaga ako.

"Goodmorning class, now's the time para makasama niyo na ang inyong mga guardian sa training at pakikipaglaban." Panimula niya, na siyang ikinatuwa ng lahat. Sinong hindi, eh pandagdag lakas din ang mga guardian. At sa pagkakaalam ko, sila ang poprotekta sa mapipili nito.

"Quiet," ani ng guro kaya natahimik ang lahat. "Ang mga guardian ang siyang pipili sa kung sinong nanaisin niyang makasama at maprotektahan. There are three kinds of guardian. It's the NLevelGuardians, for the normal kinds of enchanters only. ELevelGuardians, for the elementalist, they are more powerful than the NLevelGuardians. And lastly MLevelGuardian, the most powerful guardian. Ito ay para lamang sa isang immortal na nagtataglay ng apat na elemental magics at nag-iisa lamang ito."

Napa"wow" nalang talaga ako sa narinig. For sure NLevelGuardian ang makukuha ko at sobrang masaya na ako dun.

"Sir, ano po bang itsura nila?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko. Napangiti naman si Prof Larry, tila excited na excited sa sasabihin.

"Later on malalaman niyo kung ano ba sila. Just ready yourselves, dahil magtutungo tayo ngayon sa Enchanted Forest," masigla niyang sambit kaya nagsigawan nanaman sila. "Kayo ang unang section na dadalhin doon. So, go fix your things and let's go." Inayos ko na ang sarili ko at tumayo na din kasama ang mga kaklase ko.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now