Chapter 18: Awakening Power

249 46 18
                                    

Awakening Power

Airo's POV

Nararamdaman kong may kakaiba sayo Liah. Alam kong may itinatago ka pang lakas. Gusto kong malaman 'yon. Gusto kong makilala ka pa. Sino ka ba talaga? Bakit ikaw ang bukod tanging pinili ng makapangyarihang espada. At kung bakit sayo ipinagkatiwala ni HM Corrins ang Stentorian Necklace. Bakit ikaw na bagong salta lang at walang gaanong kaalaman ang siyang pinili?

Humingi ako ng malalim para iwaksi ang pagiisip. Ibinalin ko ang aking atensyon kay Liah.
Inatake ko siya gamit ang sandata ko. Ginawa ko ang isang teknik na matagal ko ng pinag-aaralan. Ginamit ko ang trasportation sa palaso kasabay ng fire infusion, oras na maging isang metro nalang ang distansya mula sa target. Hindi niya naiwasan ang palaso kaya tinamaan siya sa gilid ng kanyang tyan. Agad niyang hinugot ang palaso sa tagiliran niya at saka marahang tumayo. Masama niya akong tinitigan, ngunit ng makita kong mabaling ang atensyon niya sa iba, ginamit ko ang pagkakataong ito para atakihin siya gamit ang fire ball. Mabilis itong lumipad patungo sa direksyon niya, ngunit tila hindi niya parin ito napapansin.

Shit! Hindi ganito ang gusto kong mangyari.

Ipagtanggol mo ang sarili mo Liah. Depensahan mo ang sarili mo!!

"Liah, hinde. Wag kang pumikit, umiwas ka," ramdam ko ang pagpigil hininga ng mga nanonod samin. Maging ako ay hindi na halos makagalaw dahil sa pwedeng mangyari kay Liah. Shit! Napakatanga ko. Damn!

"LIAAAAAH!"

*BOOOOGSHHHT!!!!!!*

Gulat akong napatingin sa direksyon ni Liah, kung saan nakatayo ito habang nakataas ang kanyang kanang braso. Doon nanggaling ang apoy na pumuksa sa apoy ko.

"Nakalikha si Liah ng apoy," totoo ba yung nakita ko? Kung ganoon, isa din siyang Fire Elementalist gaya ko. Halata din ang gulat sa mukha ng mga manonood. Sabi ko na nga ba at may kakaiba talaga sakanya. Natigil lang ang pagiisip ko nang bigla nalang natumba si Liah at nawalan ng malay. Mabilis ko siya nilapitan at binuhat para dalhin sa clinic. Mamaya ko na iintindihin ang kung ano mang nangyare ngayon. Kailangan ko din makausap si HeadMaster Corrins dahil natitiyak kong may alam siya dito. She know something about Liah at gagawin ko ang lahat para masagot ang mga katanungan ko.

---

"Kamusta siya Airo?" bungad sakin ni Nate kasama ang iba pang royalties.

"She's okay now. Antayin niyo nalang siyang magising. I have to go," sagot ko at saka naglakad papalapit sa pinto.

"Sandali, saan ka pupunta?" Pigil sakin ni Harlene kaya naman nilingon ko siya saglit.

"Kay HeadMaster," baling ko sakanya. Napatango naman ito at saka na ako tumuloy sa pupuntahan ko.

Gusto kong malaman ang tunay na pagkatao ni Liah. She really has something.. special. Nung una ko palang siyang makita, naramdaman ko ng may kakaiba talaga sakanya. Even where she came from, at mga nangyare sakanya bago siya makarating dito, palaisipan talaga sakin 'yon. At bakit dalawang beses na siyang pinagtangkaang patayin ng mga darkousian. Nung nasa mortal na mundo siya at noong unang pagsasanay namin.

*Flashback*

Matapos pagtangkaan ng darkousian na 'yon ang buhay ni Liah. Sinigurado ko munang wala na ang darkousian na 'yon bago ko dinala si Liah sa mga manggagamot.

"Hindi lang 'to simpleng dagger. Ito ay may taglay na kakaibang lason. Isang lason na makakapatay ng kahit na sino sa loob lamang ng isang oras. Napakaswerte niya at naidala niyo siya agad dito at naagapan namin siya kaagad," wika ng isa sa mga wizard na gumamot kay Liah. Kung gano'n bakit siya gustong patayin ng darkousian na 'yon?

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now