Chapter 17: Training Battle II

230 43 5
                                    




Training Battle II





Liah's POV

Pagkatapos ng laban ni Blue at Nate, sumunod si Beatrix at Crince sa clinic para magbantay at mag-alaga sa kanila. Nag-umpisa namang muli ang training battle. Nanalo si Azrael sa laban nila ni Ashton na isang ash manipulator. Hindi naging madali ang laban ni Azrael sa kanya dahil nagagawa ni Ashton na gamitin ang hangin ni Azrael para makagawa ng ipo-ipong abo. Pero nagawa niya paring kontrolin ang hangin. Ginamit niya rin ang ELevelGuardian niya na si Pegalorn laban sa NLevelGuardian ni Ashton.


Denise laban kay Kyzzer na isang shadow manipulator. Bata pa itong si Kyzzer at hindi pa gaanong sanay sa pakikipaglaban, kaya naman agad na tinapos ni Denise ang laban nilang dalawa. Kilalang mabuti si Denise kaya naman halos galos lamang ang nakuha ni Kyzzer mula sa kanya. Maging si Harlene ay nanalo laban kay Beyonce, na telekinesis ang ability. Si Beyonce ay isa sa mga alipores ni Hidalia. Kapwa nagkaroon sila ng madaming sugat sa katawan. Hindi maikakaila na malakas din ang kayang nakalaban.



Dalawa nalang kami ni Airo na hindi pa sumasalang, kaya lalong tumitindi ang kalabog ng puso ko. What if si Airo makalaban ko? Paano na? Baka kakaumpisa palang ng laban e, tumba na agad ako. Or what if, gayahin ko nalang yung ginawa ni Hidalia sa laban nila ni Beatrix. Yung mahihimatay ako kunware bago pa ako atakihin ni Airo.


What a brilliant idea!!


"Psh, duwag!"


Napatingin ako sa paligid ko para tignan kung sino nagsabi nun, hanggang sa marealize ko na si Phyro lang pala ang pwedeng makabasa ng iniisip ko.


"Hindi ako duwag Phyro ha? Ikaw kaya ang tupukin ng apoy, hindi ka ba matatakot?" Tanong ko sakanya.


"Hindi niya yun gagawin sa'yo and I won't let him hurt my master." nakakatouch na tugon niya. Grabe ang sweet din pala nitong si Baby Phyro.


"Sweet naman Baby Phyro!"


"Wag mo nga akong tawaging Baby! At isa pa, hindi ako sweet, tungkulin ko lamang na pangalagaan ka." Ayan nanaman po siya sa pagiging masungit. Ano bang masama sa Baby?


"Wag kanalang din magreklamo baby phyro, dahil wala ka namang magagawa eh—"


"Now let's proceed to the next battle," ani prof Larry. Hindi ko na naituloy ang pakikipagusap ko kay Phyro at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa malaking screen.



"Airo Cullen and Liah Dione"


Anak ng shokoy! Eto na nga ba sinasabi ko eh. Anong laban ng isang babaeng gumagamit lang ng Elenchus Magic, sa isang Fire Elementalist? Wala diba? Aasa nalang ako nito sa weapon ko at kay...





MLevelGuardian, Baby Phyro..


Naglakad na kami ni Airo papunta sa gitna ng field kung saan kami maglalaban. Matalim siyang nakatingin sa direksyon ko, habang ako naman ay nangangatog na dahil sa takot.


"Sama mo makatingin?!" bulyaw ko sakanya. Masyado naman ata niyang gustong seryosohin ang laban namin. Naku po.


"Humanda ka Liah.. magiging akin—" hindi na naituloy ni Airo ang sasabihin niya dahil tumunog na ang bell. Hudyat na kailangan na naming umpisahan ang laban.


Humulma siya ng isang espadang apoy kaya sinummon ko na agad ang aking stentorian sword.


Teka? Parang napanood ko na 'to ah.. Tama! Kailangan kong maging alerto sa magiging kilos niya, dahil kaya ni Airo na magtransport.


Gaya ng inaasahan ko, biglang naglaho si Airo.


"Sa likod mo, master" bulong ni Phyro. Sabi ko na nga ba, gagawin 'to ni Airo. Nang maramdaman ko ang presensya niya agad akong tumalikod para sanggain ang nagbabaga niyang espadang apoy.


"Magaling," puri sakin ni Airo. Sabay kaming tumalon papalayo sa isa't isa. Nakita kong naglaho ang espadang apoy niya at sinummon ang kanyang bow and arrow na weapon. Ginamit niya ang Fire Infusion para mas maging malakas ang kanyang weapon.


Inatake niya ako ng mga pana nito. Tila naging mga bulalakaw ang mga ito sa himpapawid at ako ang kanilang destinasyon o pagbabagsakan.


Nagulat ako ng biglang naging panangga ang stentorian sword, tsaka sinangga nito ang lahat ng panang ginamit ni Airo para atakihin ako. Halata sa mukha niya ngayon ang pagkamangha sa stentorian sword.


Lalong nanlaki ang mata ni Airo ng maging bow and arrow ang stentorian sword. Hindi narin naiwasan ng mga manonood ang mapahiyaw. Parehas na muli ang aming sandata.


"Kamangha-mangha ang ipinapakitang kakayahan ng stentorian sword. Kaya nitong magtransform sa kahit na anong klase ng sandata," sambit ni Prof Larry. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil na kay Airo ang atensyon ko ngayon. Binabantayan ko ang bawat pag atake niya.


Medyo nababahala na ako sa pwedeng maging atake ni Airo. Tahimik lang itong diretsong nakatingin sakin. Nagulat ako ng bigla itong maglaho at mabilis na nakalayo sakin sabay na sunud-sunod niyang pinana ang paanan ko. Talon na paatras ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa dulo. Napalingon ako sa likuran ko dahil oras na matapakan o lumagpas ako sa linyang ito ay matatalo na ako sa laban.


Kahit na nasa malayo si Airo nakita ko parin ang ngisi na sumilay sa kanyang labi. Ano bang pinaplano niya? Humanda ako dahil nakita kong itinataas na niya ang kanyang sandata. Mahina lang ang pagbitaw nito sa pana, ngunit laking gulat ko ng biglang mawala sa paningin ko ang pana.


"Isang metro nalang ang layo master! Umilag ka."


Ano? Nalintikan na. Paano niya nagawa yo'n? Lumitaw muli ang pana niya, ngunit sa pagkakataong ito ay nagliliyab na ang talim nito. Mabilis itong tumama sa tagiliran ko kaya hindi ko na nagawang iwasan ito.


"Shit," inalis ko ang pagkakabaon ng pana sa tagiliran ko at saka pinilit na tumayo. Matalim kong tinignan ang mga mata ni Airo. Kahit na seryoso ang mukha niya ngayon, nakikita ko parin sa mga mata niya ang pag-aalala.


"Ayos ka lang ba Master? Tawagin mo na ako, para matulungan na kita," ani Phyro. Halata din sakanya ang pag-aalala. Maging sina Harlene ay hindi na mapakali sa kinauupuan nila. Imbes na magpagamot si Harlene sa clinic, ay mas pinili niyang panoorin muna ang laban namin ni Airo.


"Ayos lang ako Phyro. Ngunit hindi ka muna maaaring lumabas. Gusto kong maging patas ang laban namin ni Airo," tugon ko naman kay Phyro. Batid kong tutol siya sa gusto ko, pero wala siyang magagawa kundi mag-antay na lamang na tawagin ko siya.


"Pero Master, hindi mo pa siya kakayanin. Hindi mo pa kayang gamitin ang mga kapangyarihan mo," naguguluhan man ako sa mga sinabi niya, ay mas pinili ko paring gawin ang nais ko. Nang ibinalin kong muli ang atensyon ko kay Airo. Isang malaking bolang apoy ang papalapit na pala sa akin. Hindi ko na nagawang umiwas pa, kaya minabuti kong ipikit nalang ang mga mata ko. Dahil tiyak ako na matatalo na ako sa laban na ito.


"Master."

"LIAAAAAH!"

*BOOOOGSHHHT!!!!!!*


***

AN: Sorry for the short update. Stay Tuned! Don't forget to vote and say something about this chapter. THANKYOUUU !!

PS. Hi @leader_of_hdr salamat sa pagsuporta mo at pagbabasa ng story ko :) Godbless!

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon