Chapter 7: First Fight

314 75 29
                                    

First Fight

Liah's POV

Gumising ako ng maaga para makapag-ayos na kaagad para sa misyon. Nagsuot ako ng black skinny jeans para sa pambaba, white sando naman sa pangtaas at saka nagsuot ng leather jacket. Dahil siguradong lalamigin ako kung magsasando lang ako.

Nagpasya na akong magpunta sa napag-usapan lugar namin ng mga royalties. Ayoko naman ma-late at baka magalit nanaman sakin si Airo. Pinagmasdam ko muna saglit ang mga natutulog kong kaibigan bago umalis ng dorm at magmadaling nagtungo sa Enchant Garden.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Gustuhin ko mang lumingon, para makita kung sino o ano yung nararamdaman ko na 'yon, natatakot ako at baka atakihin pa ako sa puso.

Palakas ng palakas yung naririnig ko sa paligid ko kaya sinummon ko kaagad ang stentorian sword at dahan dahang lumingon.

"YAHHH!" Sigaw ko sabay tira ng stentorian sword sa kung ano mang nilalang ang sumusunod sakin.

"Shit! Papatayin mo ba ako?!" Galit na sigaw sakin ng lalaking nasa harap ko. Phew! Muntikan ko na siyang maputulan ng leeg sa ginawa ko, buti nalang at naka-iwas siya. Agad namang naglaho ang weapon ko kaya inayos ko na yung sarili ko.

"Airo kasi.. ano.. hindi ko naman kasi alam na ikaw 'yan. Akala ko kung sinong kalaban na yung sumusunod sakin" paliwanag ko kaya naman napangisi siya.

"I'm glad you're learning, but you're not so fast." Sabi niya at saka ako nilagpasan. Anong ibig sabihin nun? Sinusubukan lang niya ako sa pagiging alerto ko? Daming alam ng lalaking 'to, wala naman kaming training eh.

"Airo sandali." Tawag ko sakanya at saka sumabay sa paglalakad. He is wearing black pants and a black leather jacket also. Luh? Baka akalain nila pinag-usapan namin ni Airo kaya magkatulad kami ng suot.

Soulmate.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Masungit niyang tanong, hindi ko napansin na humahagikgik na pala ako sa mga naiisip ko.

"Ahhh. Wala may naisip lang akong nakakatawa." Saad ko sakanya kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi nalang ako pinansin. Sungit talaga.

Nang makarating kami sa Enchant Garden, kami nalang pala ang hinihintay. Maging si HeadMistress Corrins ay nandito narin pala.

"Huy, bakit magkatulad kayo ng suot ha?" Malisyosong tanong ni Nate samin. Sabi ko na nga ba mapapansin nila yun eh. Maging ang iba pa naming kasama ay napatingin narin sa suot namin.

"Pake mo?" Masungit na sagot Airo kay Nate. Kaya ako nalang ang sumagot.

"Nagkataon lang naman Nate" sagot ko sa tanong niya kaya napatingin naman siya sa akin at saka ako nginitian.

"Buti kapa Liah, matino kang kausap." Puri niya sakin kaya naman napangiti ako.

"Ikaw lang ang hindi matino Nate" komento naman ni Blue.  Pinagtawanan naman siya ng ibang mga royalties, kaya sinamaan niya ito ng tingin. Bakit kaya lagi nilang binabara itong si Nate, mabait naman siya eh.

"Tama na yan. Kailangan niyo ng umalis at magtungo sa Bayan ng Enchanta" awat sakanila ng Head Mistress, kaya naman nanahimik na sila at nakinig sa sasabihin nito.

"Anong sasakyan namin papunta dun?" Tanong ni Denise sa HM.

"Wala, maglalakad lang kayo."

"Ano?/What?" Sabay sabay naming tanong sakanya. Kaya naman natawa siya sa reaksyon namin.

"Wag niyong sabihing natatakot kayo?" Pang-asar na tanong ng HM. Ehh paano naman kasi, baka malayo pa yun or worst.. baka may makasalubong kaming mga kalaban. How can I protect my self? Baka hindi pa man kami nakakarating doon ay patay na ako. "Naniniwala ako sa mga kakayahan niyo royalties. Pati narin sayo Liah, maniwala ka lang sa kakayahan mo, alam kong makakalaban ka. At saka kasama mo naman sila, you just need to do team work." Tumango naman ako sa pagpapalakas niya ng loob ko. Sana lang talaga makayanan ko 'tong mission namin.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now