Chapter 26: Elemental Princess

138 17 10
                                    

Elemental Princess

[Liah]

PAGKATAPOS kumanta ni Crince nagsibalikan na din kami sa kani-kaniya naming table. Si Airo lang ang nakasayaw ko hanggang sa matapos. While yung ibang estudyante nagpapalitan ng partners. Pinagtitinginan at pinag-uusapan nakaming dalawa pero wala lang 'yon sakanya.

"Ngiting-ngiti ka dyan Liah ah!  Umamin na ba sayo si Airo? Ano, kayo naba?" Tanong ni Crince ng makalapit siya samin. Kumapit siya sa braso ko.

"Loka! Anong umamin na sinasabi mo dyan. Sumayaw lang naman kami," sagot ko.

"Sus!" Naputol ang pang-aasar ni Crince sa 'kin ng may magsalita.  Si Ms.Iseah. Ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Sorry to interrupt you students, but I am here to introduce to you the King and Queen of Charm Kingdom." As if on a cue biglang nagbukas ang malaking pintuan  at bumungad sa 'min ang napakagandang reyna at makisig parin na hari ng Charm. Kasunod nila ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na sapalagay ko ay mga taga-Charm din.

"Lolo. Lola." I murmured. Hindi ko alam kung tama bang ganun ang itawag ko sakanila. Kinakabahan ako kung sakaling dumating na ang oras na makilala nila ako. Matatanggap kaya nila ako? Matutuwa kaya sila? Gusto ko silang yakapin. Gusto kong maramdaman ang yakap ng mga tunay kong pamilya.

"Umiiyak kaba?" Bulong sakin ni Airo. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Madali kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mata. At muling sumulyap sa kanila ng nakangiti.

Habang naglalakad sila sa aisle, nakangiting pinagmamasdan nila ang bawat enchanters na madadaanan nila. Nang malapit na sila sa kinaroroonan namin, tila nakaramdam ako bigla ng kaba. Nang magtama ang paningin namin ng reyna ng charm, or should I say, ng aking lola. Tumigil ito sa paglalakad, kaya natigilan din ang ibang nakasunod sakanya.

"Anong problema mahal ko?" Dinig kong tanong ng hari sa kanyang reyna. Umiling lang ito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Pinalakpakan namin sila ng makarating sila sa harapan. At doo'y naghihintay na pala sa kanila si King Axel.

Muling nagtama ang paningin namin ng ina ng tunay kong ina. Hindi ko mabasa ang kung ano mang nasa isip niya. She is just intently looking at me with her beautiful pair of eyes. Nawala ang atensyon niya sa akin ng magsalita si King Axel.

"Maybe tonight is the right time to introduce to you King Arthur, Queen Eliza and to all of you enchanters and charmers." My heart starts beating so fast. Ito na ba? Is't really the right time? Natatakot ako sa sasabihin ng iba. "The long lost princess of Enchant and Charm Kingdom, we found her. And she's here." Nakita ko sa mukha nilang lahat ang galak sa balitang narinig nila. Iginala ko ang aking paningin sa buong hall. They are all look very happy. I saw Azrael smiling at me. Sabi ko na nga ba may alam siya.

"Come here in front our precious princess." The King said, while looking at me. Dahilan para mapatingin sa direksyon ko ang lahat. Samu't saring reaksyon ang aking nakita. May natutuwa at may hindi makapaniwala. Miski ako hindi ko din inakalang ako pala ang nawawalang prinsesa ng dalawang kaharian.

Maglalakad na sana ako papalapit sa tunay kong pamilya nang may humawak sa kamay ko.

Airo.

"Let me escort you, Hime."

Hime? Is't a kind of an endearment?

Hinayaan kong kunin niya ang aking kamay nang biglang halikan niya ang ibabaw nito na ikinagulat ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at inalalayan ako sa paglalakad. As If he did nothing. Habang papalapit ako, kitang kita sa mukha ni Queen Eliza ang tuwa ng makita ako.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora