Chapter 31: Lost

102 8 5
                                    

[3rd Person]

Nagdilim ang langit kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Tila ba pati ang langit ay nakikiramay sa mga puso nilang nalulumbay. Walang oras silang sinayang at buong lakas nilang hinanap ang prinsesa sa buong paligid. Wari'y ramdam nila sa puso nila na buhay pa ito.

Agad na sinubukang hanapin ni Airo si Liah sa paligid ng buong kastilyo. Sumunod na din sakanya ang mga kaibigan niya. Tanging hikbi at pagtangis ang siyang maririnig.

Sa ilang oras na paghahanap paikot ikot sa buong lugar, katulong nadin nila pati ang mga guardians nila. Pero walang Liah sila na nakita.

"Nasaan na ba s'ya? Buhay pa ba si Liah?" Lumuluhang sabi ng kaibigan niyang si Harlene.

"Malapit ng gumabi. Bumalik na tayo sa Enchant Kingdom. Ikinalulungkot kong wala na ang ating prinsesa. Marahil kasama siya sa pagsabog." Bakas ang lungkot sa boses ni Azrael. Pero bilang isang prinsipe, kailangan niyang ipakitang matatag siya.

Labag sa kalooban na sumunod ang lahat kay Azrael. Sabay sabay silang bumalik sa Enchant Kingdom. Mababakas sa kanilang mukha ang pighati at lungkot sa nangyari. Hindi sila nagtagumpay sa kanilang misyon.

Tulalang nakarating ang mga enchanters at charmers sa Enchant Kingdom. Batid na ng mga Hari at Reyna, Headmasters at mga estudyante ang nangyari. Ngunit sinalubong parin sila ng mga ito ng walang bakas ng paninisi. Ginawa nila ang kanilang makakaya ngunit ito ang nakatadhana ng mangyari.

[Airo]

It's already midnight. Naiisip ko parin ang pagkawala ni Liah. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Nabigo ako. Hindi ko siya nailigtas. Napakabobo at napakahina ko! Hindi ko man lang napatunayan na karapatdapat ako sa tungkulin na binigay sakin.

Pinagmasdan ko ang tubig mula sa fountain na nasa harap ko ngayon. Iba't iba ang kulay ng mga ito. Napakaganda, parang si Liah. I can still remember the moment na dinala ko siya dito. I was so happy that time. Pero ngayong wala na siya, mararamdaman ko pa kaya ang saya na dulot niya? Am I able to feel that feeling again?

Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi lang sana ako nagpabaya.

Sinipa ko ng malakas ang nagsisilbing harang ng tubig ng fountain na 'to. Nagkaroon 'to ng kaunting crack dahil sa pagsipa ko.

"H'wag mong idamay ang fountain na 'yan sa frustrations mo, Airo." I sighed and look at the person who just came.

"Headmistress."

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Kahit na wala ako do'n alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mailigtas s'ya." Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman towards her. Para bang may nalalaman siya at hindi sinasabi samin. They are at ease, despite of what happen.

I shrugged. Siguro dahil ramdam din nila na buhay pa si Liah. O baka naman buhay talaga siya at tinatago lang nila samin? I must find out.

"Where's the dumbass traitor?" Tanong ko sakanya. Gusto kong makita ang hayop na traydor na 'yon! Naiyukom ko ang kamao ng dahil sa galit. That traitor should die.

"He's in the dungeon already." Yumuko ako as a sign of respect to her. Kailangan kong parusahan ang taong 'yon. Naglakad ako papunta sa dungeon. "Wait, where do you think you're going?"

"Dungeon."

Hindi na siya muling sumagot at ramdam ko na nakasunod lang siya sakin. Nang makarating kami nakita ko siyang nakagapos sa loob ng dungeon. Biglang kumulo ang dugo ko ng makita ko siya. Nakaupo siya sa sulok. Nakita ko ng ngisi sa kanyang labi ng makita niya ako.

"Hayop ka! Isa kang traydor." Nagawa niya pang humalakhak kahit na nahihirapan siya mula sa pagkakagapos.

"I know right, man," humalakhak siyang muli pagtapos niyang magsalita. Humanda ka. Mas lalo kitang pahihirapan dyan hayop ka.

"Awwww! Arghhhh! Airo—— coward man! Uggghh!"

Coward pala ha?

"Ahhhhgg!" Halos mamilipit siya sa sakit. Pinainit ko lang naman ang mga chains na gumagapos sakanya. Kulang pa 'yan. Wala pa 'yan sa sakit na nararamdaman naming mga kaibigan ni Liah sa pagkawala niya.

"Airo, stop it. Mapapatay mo na s'ya," pigil sa akin ng Headmistress.

"He deserves to die right away." I said with a gritted teeth, tska na ako lumabas ng dungeon. Baka mapatay ko pa nga talaga si Malvar. Hindi ko akalaing magagawa niyang pagtaksilan ang Enchant. Napakawalang hiya niya. Sana siya nalang yung nawala. Those kind of persons doesn't deserve to keep alive.

"Bumalik kana sa dorm mo, Airo. Magpalakas ka," wala na akong nagawa kundi sumunod sa headmistress.

Pagdating ko sa dorm, bumungad sakin ang mga royalties.

"Saan ka galing?" Blue asked. I remained silent. Ayaw ko naman na maalala pa nila ang kahayupang ginawa ni Malvar at baka matuluyan na siya.

"Alam naming nalulungkot ka sa pagkawala ni Liah. Lahat naman tayo e, kaya 'wag mo naman sarilihin lungkot mo. Nandito naman kami," ani Denise.

"You know what? I have this feeling na may tinatago sila satin. Parang wala lang sakanila yung pagkawala ni Liah. Have you noticed it or ako lang yung oa at may problema?" Beatrix. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa bagay na 'yon. Kung ano man ang tinatago nila. Aalamin ko 'yon.

"Buhay si Liah," out of nowhere nasabi ko nalang bigla. Gulat na napatingin sila sakin.

"Paano mo nasabi?" Tanong ni nathaniel.

"Gaya nga ng sinabi ni Beatrix, tingin ko may tinatago nga sila sa atin. I just can't figure it out but I am going to find it out. Malakas din ang kutob ko na buhay si Liah. Let's just hope na tama ang kutob ko," bakas naman ang ngiti sa mukha nila. Marahil parehas kami ng nararamdaman. With that, ay nagawa ko na ring ngumiti. Nagkaroon ako ng pag-asa kahit na walang kasiguraduhan.

"Thanks Airo. Dahil sa mga sinabi mo nagkaroon kami ng pag-asa na makita pa ulit si Liah," I smiled and went on my room.

"Master, I can still feel her presence," my guardian said. Kung naramdaman niya 'yon, I'm sure naramdaman din 'yon ng iba pang mga guardian.

"I need to find her, bago pa siya makuha ng iba," sabi ko sa sarili ko.  Hindi ko na hahayaang mawala siya ng tuluyan sakin. I am going to find her, no matter what happen. Kahit saang impyerno man ako makarating. Walang kahit na sinong makakapigil sakin.

"You like her master. Am I right?"

Natigilan ako sa sinabi ni Drago. Do I like her? I shrugged and continue walking towards my room.

"I don't know. But I care for her ... so much."

•••

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now