Chapter 6: Mission

348 82 26
                                    

Mission

Liah's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung pagtangkaan ng isang taga-Darkous ang buhay ko. Maging ako ay hindi alam kung bakit gusto nila akong patayin. Simula pa nung nasa Mortal World pa ako ay ramdam ko na may nagmamasid sa akin.

Bakit gusto nila akong patayin? Naalala ko tuloy si Nanay Cely, nasabi na sa akin ni Headmistress Corrins na namatay ang taong nag-alaga sakin simula nung sanggol pa lamang ako. Pinatay siya ng mga tauhan ng darkous. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa nagbabadya nanamang luha sa mga mata ko.

"Liah, may problema ba?" Tanong sa akin ni Azrael na kakarating lang. Hindi ko alam pero naging malapit na ako sa mga royalties simula nung araw na iyon, maliban kay Airo na lagi akong sinusungitan.

"O-oo naman. May naalala lang ako" tumingin nalang ako sa mga bulaklak na makikita lang dito sa Enchanted Garden, ang lugar kung saan una nila akong nakita.

"Kung tungkol yan sa pagtatangka ng mga darkous sa buhay mo..wag ka ng mag-alala Liah" sabi niya tska umupo sa gilid ko "Nandito lang ako pati narin ang iba pang royalties para protektahan ka" tumingin ako sa kanya ng may halong pagtataka habang siya naman ay nakangiti.

"Salamat Azrael"

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. "No, ako ang dapat magpasalamat sayo Liah dahil-nakilala kita" kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. Gustuhin ko mang magtanong kung bakit niya ako niyakap, mas pinili ko nalang na manahimik.

"Don't get me wrong Liah, niyakap kita kasi para nakitang nakababatang kapatid kahit sandaling panahon palang kitang nakakasama" buti nalang di ako nag-assume sa yakap niya na 'yon.

"So, pwede na kitang tawaging Kuya?" Tanong ko sakanya kaya ginulo niya yung buhok ko na para bang isang maliit na bata.

"If that's make you feel more comfortable..then it's fine with me" para naman akong bata dahil sa pagpalakpak ko. Si Azrael, hindi ko ramdam na iba ako sa kanya. Pakiramdam ko ay konektado kami sa isa't isa. Syempre gusto ko din siyang maging kuya.

"Salamat Kuya ha? Atleast kahit fake lang, may kuya na ako na maituturing kong pamilya"

"Wala yun Liah. Kaming mga kaibigan mo ay pamilya mo na rin. Lalo na ako syempre dahil kuya mo na ako ngayon" sabi niya sakin tsaka ako kinindatan. Eto talagang si Kuya Azrael papogi minsan, pero pogi naman talaga siya.

"Kuya, diba mind reader ka? Basahin mo nga nasa isip ko."

May gusto sayo yung kaibigan ko na si Harlene.

Inisip ko talaga yan, nagtataka kasi ako kung bakit yung isang mindreader na nakakita sakin dito mismo sa Enchant Garden, hindi niya daw mabasa ang nasa isip ko.

"Oo, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang basahin kung anong nasa isip mo. Actually dati ko pa sinusubukan, but I always failed" pagpapaliwanag niya sakin, sayang naman hindi niya tuloy nalaman kung ano yung inisip ko. "One of your friend Liah..minsan aksidente kong nababasa isip niya. At mismong pagpapantasya niya pa sakin yung nalalaman ko. Harlene likes me, am I right?" Woah! Tama ba narinig ko? Nakakahiya ka Harlene, siguradong hindi mo na ipapakita yung mukha mo pag nalaman mong alam na ng taong gusto mo..na pinagpapantasyahan mo siya.

"Idedeny ko pa ba, eh ikaw na mismo ang nakahuli sakanya? Siguro sinasadya mo talagang basahin nasa isip niya no? Yiiie~ Si Prince Azrael, inlove na!" Panunukso ko kay Kuya Azrael.

"Oy hindi ah! Tumigil ka nga sa panunukso mo Liah. Baka may makarinig sayo eh" pagmamaktol ni Kuya sakin.

"Fine, pakitaan mo nalang ako ng magic mo. Yung nakakaimpress ha?" Panghahamon ko, gusto ko rin kasi makita yung mga techniques na kayang gawin ng isang air elementalist.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now