Chapter 21: Water Guardian

241 32 9
                                    

Water Guardian

NAKATULOG ako ng hindi ko man lang namamalayan. Nanatili akong nakapikit dahil gusto ko pang matulog. Feeling ko pagod na pagod ako. Pagod dahil sa pagpapahirap sakin ng Fire Guardian na si Drago, pero atleast nang dahil sa kanya ay nagagawa ko ng gamitin ang fire element, at nalaman ko ang tunay kong pagkatao. Hindi ito mawaglit sa isipan ko dahil nasasabik na akong makilala ang tunay kong pamilya. Ngunit sa pagkakaalam ko ay wala na ang aking mga magulang. Lungkot at takot ang lagi kong nararamdaman sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. Ngunit kailangan kong magpatuloy, dahil may responsibilidad ako na dapat gampanan.

"Time too wake up princess," dinig kong wika ng isang hindi pamilyar na tinig. Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita ko ang isang lalaki at kung paano niya kontrolin ang tubig sa sapa papunta sakin.

Hinde.

"WAHHHHHHH!!"

*splaaaaasshh*

Hindi na ako nakaiwas kaya basang basa tuloy ako ngayon. Tumingin ako sa kinaroroonan ng lalaking gumawa nito sa akin. Kitang kita sakanya ang pagkatuwa dahil sa nangyari. Nakatingin din siya sakin habang nakangisi.  Pinagtitripan yata ako ng guardian na 'to.

"Sorry, masyado kana kasing maraming iniisip. Darating din ang panahon na makikilala at malalaman mo ang lahat tungkol sa mga magulang mo," nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig.

"Paano mo nalaman na iniisip ko ang bagay na iyon? Ibig sabihin ba ay nababasa mo ang aking isip?" Tanong ko sakanya. Nakakamangha.

"Tama ka. Kaya naming basahin ang iyong isipan sa tuwing hindi mo kami nakikita o hindi mo alam ang kinaroroonan namin," kaya pala kanina hindi nagpakita si Drago sakin dahil gusto niyang basahin ang mga iniisip ko. Kaya pala kung minsan ay hindi ko siya maiwasan. Napakadaya. "Ngunit iba sa amin si Phyro na MLevel Guardian, dahil by default kaya niyang basahin ang kung ano mang iniisip mo. Dahil konektado kayo sa isa't isa," dagdag pa niya.

"Wow, salamat sa ibinigay mong impormasyon..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko maalala ang kanyang pangalan. Pero alam kong nakita ko na siya. Siya yung guardian ni Blue.

"Squantin, ako ang Water element Guardian. Kailangan mo ng matutunan ang apat na elemento dahil kumikilos na ang mga darkousian," wika niya. Halata naman sakanya na water guardian siya dahil sa marka na nasa braso niya at kanina lang ay nakita ko ang pagkontrol niya sa tubig.

Tumango naman ako sa kanya at saka ko inihanda ang aking sarili.

Kagaya ng ginawa ni Drago kanina ay nagtransform si Squantin at siya ay naging isang sirena. Kaygandang pagmasdan ng kanyang buntot, matutulis at kumikinang ang kanyang mga palipik. Nakita ko na siya noon sa training battle, ngunit mas nakakamangha pala siyang tignan sa malapitan. 

"Pumikit ka mahal na Prinsesa," hindi pa ako gaanong sanay na tinatawag akong prinsesa pero isinantabi ko muna iyon at sumunod sa sinabi ni Squantin.

Ilang segundo palang ang lumipas ay naramdaman ko na parang nakatayo ako sa tubig. Binuhusan nanaman ba ako ni Squantin ng tubig?

Napagpasyahan kong imulat ang mga mata ko at...

"Holy mother of fish!" sigaw ko, kaya pinagtawanan ako ni Squantin. Paano banaman kasi, nakatayo ako sa tubig habang si Squantin naman ay naglalangoy. Pinagti-tripan niya talaga ako. Tsk!

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora