Chapter 4: First Training

349 87 33
                                    

First Training

Liah's POV

"Ano ba kasing nangyare Liah? Bakit ayaw mong pumasok?" pangatlong tanong na ata ni Harlene sakin pero puro iling lang ang sagot ko sakanya. Ayoko pumasok baka makita ko si kamatayan huhuhu :(

"Halika na! Bumangon kana dyan" isa pa 'tong si Crince na nangungulit. Waaaaah! wag niyo akong ilapit sa huling hantungan ko. Hindi pa ako handa. "Sino bang training partner mo?" dagdag pa niya.

"Si kamatayan," seryoso kong sagot sa kanila at natawa naman sila. Sila kaya ang mapunta sa sitwasyon ko, naku ewan ko lang. Palibhasa may mga powers sila e, samantalang ako wala.

"May kaklase ba tayong ganun ang pangalan? pft."sabi ni Harlene. Batukan ko kaya 'tong dalawang to. Kung pagtawanan ako e parang wala ang presensya ko.

"Alam mo Liah, naloloka kana. Maligo kana para makaalis na tayo," pamimilit pa ni Crince saka ako tinulak papasok ng banyo, kaya wala nakong nagawa kundi maligo nalang. Alam ko namang hindi nila ako titigilan.

After 30 minutes tapos nakong mag-ayos. Lumabas na agad ako at nakita ko namang ready na rin silang pumasok. Ako hindi na yata ako magiging ready, dun pa nga lang sa ginawa sakin ni Hidalia kahapon ay takot na takot nako, pano pa kaya pag lumilipad na apoy na yung papunta sakin.

"Sino training partner mo Liah?" Tanong ni Crince .

"Si—Airo"

"WAAH! Ang swerte mo Liah!" Sigaw ni Harlene tsaka ako dinambahan ng yakap. Okay, ano bang swerte dun? Eh malapit na ang katapusan ko.

"Ba't namumutla ka Liah? Ayos ka lang?" Napatingin naman ako sa salamin para tignan ang sarili ko. Umiling nalang ako at saka sila nginitian . Yung ngiti na nagsasabing, Wag na kayo mag alala ninenerbyos lang ako ><

Seryoso naman silang nakatingin sakin ng 'are-you-sure-look'? Kaya napilitan nako magsalita.

"A-ayos lang ako. Naisip ko lang kasi na baka mahirapan ako kay Airo. Diba siya yung pinaka malakas na estudyante dito? Kinakabahan lang kasi ako, wala pa akong magic na kagaya ng sa inyo."

"Training lang naman yun, hindi kayo magpapatayan. Tsaka pwede naman kitang gamutin kung masusugatan ka e," napangiti naman ako sa sinabi ni Crince. Tama siya , wala akong dapat na ipagalala. Pero kasi, hinamon ko ata si Airo kahapon? Ahys! Bahala na nga.

Lumabas na kami ng dorm at dumiretso na sa classroom.

Pagdating namin, bumungad samin ang maingay na klase. Kaya naman pala eh nagchichismisan, kesyo sino daw ang training partner nila at kung anu-ano pa. Napabuntong hininga nalang ako , naalala ko nanaman si Airo. Argh! Ekung bumalik nalang kaya ako ng dorm? At magpapanggap nalang ako na may sakit.

Tama!

"Hep! Saan ka pupunta?"

Panghaharang sa akin ni Harlene. Napasulyap naman ako sakanilang dalawa na naniningkit ang mga mata.

"Sa—"

"Sa?" They both said in chorus. Sabi ko na eh, wala talaga akong kawala. Umiling nalang ako tsaka na umupo sa pwesto ko. Sumunod naman sila sakin.

Ilang minuto lang dumating na si Prof Larry. Kaya tumahimik na ang klase.

"Pumunta na kayo sa training field ,together with your training partner. Andun na si Ms. Iseah para iguide at bantayan kayo. That's all for today."

Tumango naman ang lahat bilang responde sa guro. Kasabay ng paglabas ni Prof Larry ay nagsitayuan naman ang mga kaklase ko.

Pasimpleng akong sumulyap sa likuran ko kung nasaan ang training partner ko na si Airo.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now